Alden Richards reacts to Maine Mendoza's alleged romance with Arjo Atayde

IMAGE Rose Garcia

Alden Richards on fans blaming him for what happened to AlDub: "Okay lang po sa akin, tanggap ko naman po yun. It's always parang fault po ng lalaki yun. Naiintindihan ko naman po yun at hindi ko naman aalisin sa kanila yun."


Tanggap ni Alden Richards na siya ang sinisisi ng ilang fans sa kinahinatnan ng love team nila ni Maine Mendoza.

Ang AlDub ang phenomenal love team nina Alden at Maine na aksidenteng nabuo sa noontime show ng GMA-7 na Eat Bulaga.

Sa kabila ng matinding suporta mula sa fans, tila hindi nagtuluy-tuloy ang tambalan nila dahil sa ilang bagay.

Una na rito ang pag-amin nina Alden at Maine na walang namamagitan sa kanila higit pa sa pagiging magkatrabaho at magkaibigan.

Ngayong 2018 ay nagsimula na rin silang gumawa ng solo projects.

Ngunit ang tila nagpalaho lalo sa pag-asa ng loyal AlDub fans na magkakatuluyan ang kanilang mga idolo sa totoong buhay ay ang pagkakaugnay nina Alden at Maine sa ibang mga artista.

Sa parte ni Alden, na-link siya sa mga aktres na sina Julie Anne San Jose, Bea Binene, at Patricia Tumulak.

Si Maine naman ay na-link kina Juancho Trivino at Sef Cadayona.

Ngunit hindi napatunayang nagkaroon nga ng romantic relationship sina Alden at Maine sa sinuman sa mga inili-link sa kanila.

Hanggang sa lumabas ang mga larawan ni Maine kasama ang Kapamilya actor na si Arjo Atayde na nagpapahiwatig na may namamagitan sa dalawa.

Sa lahat ng mga kaganapang ito, tila ang bagsak pa rin ng sisi ay kay Alden—na kesyo wala raw itong ginawang aksiyon upang mas lumalim pa ang relasyon nila ni Maine at maging sila sa tunay na buhay.

Tanggap naman daw ito ng Pambansang Bae.

Pahayag niya, “Okay lang po sa akin, tanggap ko naman po yun.

“It’s always parang fault po ng lalaki yun. 

“Naiintindihan ko naman po yun at hindi ko naman aalisin sa kanila yun.” 

Dagdag ni Alden, “Sanay na rin po ako na for the longest time that Aldub has begun…

“Nandiyan pa rin naman po ang Aldub at wala naman pong nagsabi na tapos na siya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Tanggap ko na po yun sa mga detractors at hindi ko na po maiaalis yun sa kanila. 

“Sa tagal ko na rin pong nakakatanggap ng hate comments, never naman po akong sumagot.

“At kahit ano pa po siguro ang sabihin nila, hindi pa rin po ako sasagot.

“Mas tahimik po ang buhay ko nang ganito.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Alden sa rehearsal niya para sa Studio 7 noong Sabado, November 10.

MAINE-ARJO SIGHTINGS

Kinuha rin ng PEP.ph ang reaksiyon ni Alden sa pagkakaugnay nina Maine at Arjo.

Ayon sa Kapuso actor, “Ako, siguro po sa mga taong involved sa buhay po ng ibang tao, siguro mas okay na lang po siguro na just leave them alone, let them be happy kung ano man ang gusto nilang gawin.”

Patuloy niya, “Tao lang po kami.

“Hindi po kami robot na basta gusto ng karamihan, gagawin po namin.”

Ipinahayag din ni Alden na suportado niya ang ka-love team na si Maine sa kung anuman ang ginagawa nito.

“Kung saan po siya masaya, nandoon din po ako. 

“And I’m sure, ganun din po ang suporta niya sa akin. 

“Sana po, ganun na lang. Let them be happy,” saad niya.

Nang tanungin kung kumusta sila ni Maine ngayon, mabilis ang sagot dito ni Alden.

Aniya, “Okay po kami ni Maine.

“Gusto ko lang pong ipaalam sa lahat na okay po kami, mas okay po kami ngayon.”


Stories We Are Tracking

Maine Mendoza, Arjo Atayde spotted at Makati resto
Maine Mendoza, Arjo Atayde spotted at Makati resto
Maine Mendoza, Arjo Atayde party at BGC bar: Date night?
Maine Mendoza, Arjo Atayde party at BGC bar: Date night?
Are Maine Mendoza, Arjo Atayde together in Bali?
Are Maine Mendoza, Arjo Atayde together in Bali?
Maine Mendoza, Arjo Atayde spotted together at concert
Maine Mendoza, Arjo Atayde spotted together at concert

WORKING WITH OTHER ACTRESSES

Ngayong Biyernes, November 16, ay magtatapos na ang pinagbibidahang primetime series ni Alden, ang Victor Magtanggol.

Dahil sa AlDub, naging maingat na si Alden sa mga makakapareha niyang aktres dahil, kadalasan, nakatatanggap din ng pangba-bash ang mga ito.

Ngayon ba ay mas bukas na siyang makapareha ang iba pang Kapuso actresses?

Tugon ni Alden, “Opo, kasi po it’s work, trabaho po yun.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Hindi ko po aalisin, especially ang industriya natin ngayon, since nag-start naman po ako, I’ve been paired with a lot of leading ladies.

“So, until now po, ganun pa rin naman.”

Flattering pa rin ba sa kanya kapag naririnig o nalalaman niyang gusto siyang makapareha o makasama ng ibang artista?

“Opo naman,” mabilis niyang sagot.

“As much as they’re excited na makatrabaho ako, ganun din po ako sa kanila.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN