Michael V. backs transfer of Regine Velasquez, Ogie Alcasid to ABS-CBN

IMAGE Noel Orsal / Mark Atienza

Michael V. on network transfer of former GMA-7 stars Regine Velasquez and Ogie Alcasid: "Yung decision nila, I think it's for the best. Hindi lang para sa kanila kundi para sa audience."


Hindi raw ikinagulat ni Michael V. ang naging paglipat ng kaibigan niyang si Ogie Alcasid at ng misis nitong si Regine Velasquez mula GMA-7 papunta sa ibang TV networks.

Si Ogie, na dating kasama ni Michael V. sa gag show na Bubble Gang, ay lumipat sa TV5 noong 2013 at naging Kapamilya naman noong 2016.

Si Regine naman ay pumirma ng two-year exclusive contract sa ABS-CBN nito lamang October pagkatapos ng halos dalawang dekada sa GMA-7.

Masaya raw si Michael V. para sa mag-asawa.

"Of course, definitely!" bulalas ng 48-year-old comedian.

"Iyan, lalo si Ogie, si Regine, kapitbahay namin iyan.

"And talagang from time to time, nagkakausap kami, nagkakainuman kami, nagkakalabasan kami ng problema.

"And yes, I think matagal na talagang… ano na ito, nakatadhana na ito na mangyari," pagtukoy niya sa paglipat ng mag-asawa sa ibang network.

Ayon pa kay Michael V., "And yung decision nila, I think it’s for the best.

"Hindi lang para sa kanila kundi para sa audience."

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Michael V. sa presscon ng 23rd anniversary ng Bubble Gang, nitong Lunes, November 12.


Stories We Are Tracking

Regine apologizes for silence about big switch to ABS-CBN
Regine apologizes for silence about big switch to ABS-CBN
Ogie denies convincing Regine to be a Kapamilya
Ogie denies convincing Regine to be a Kapamilya
Ogie, Gary, Maja welcome Regine as Kapamilya
Ogie, Gary, Maja welcome Regine as Kapamilya

FORMER BUBBLE GANG MEMBERS

Masaya rin daw si Michael V. na makita ang mga dating kasamahan sa Bubble Gang na mayroong shows ngayon sa ABS-CBN.

Maliban kay Ogie, nasa ABS-CBN na rin ang sexy comedienne na si Rufa Mae Quinto.

Gaya ni Michael V., pioneer ng Bubble Gang si Ogie na nagtagal sa programa ng 18 years.

Si Rufa Mae naman ay nagtagal ng 15 years sa Kapuso gag show.

Ngayon, magkasama sina Ogie at Rufa Mae sa Kapamilya weekly sitcom na Home Sweetie Home na pinagbibidahan din nina Piolo Pascual at Toni Gonzaga.

Pahayag ni Michael V., “I’m really, really happy for them.

“Hindi mo dapat bakuran ang sarili mo.

“Kahit ako, for myself, hindi ko naman ini-imagine na magpapaiwan ako sa isang lugar na hindi nag-i-improve yung ginagawa ko o yung talent ko.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“If you feel the need to do it, go.

“You have every reason, you have every right to go.” 

Tinanong namin si Michael V kung gaano na siya katagal sa GMA-7.

Aniya, “Sintagal ng Bubble Gang.”

Ano ang rason ng pananatili niya at pagiging loyal Kapuso?

“Sa ngayon, wala pang reason [to leave].

“Wala akong problema, wala akong makitang problema, and ayokong maghanap ng problema,” nakangiti niyang sabi.

BUBBLE GANG TURNS 23

Ayon kay Michael V., hindi raw niya naisip na magtatagal ang Bubble Gang ng higit sa dalawang dekada.

“There was a time nung fifth year namin, parang, ‘Hanggang dito na lang,’ and then seventh, and then tenth...

"E, tumagal. Nagdire-diretso.

“Although yung ambisyon na sana mag-last siya as the longest-running comedy show, andodoon.”

Ibinahagi rin ni Michael V kung ano sa tingin niya ang sikreto ng pamamayagpag ng Bubble Gang sa loob ng 23 taon.

“Ang concern lang namin parati nun is yung ratings, e. Nakalimutan na namin maging masaya.

“And at that moment na na-figure out namin na, 'Huwag nating intindihin yung ratings muna. Ang importante ayusin natin itong show, maging masaya tayo habang ginagawa,' dun nag-start mag-improve yung ratings.

“So yung formula na yun, laging nire-relay ko sa mga kasama namin dito sa Bubble Gang.

"Hindi importante yung ratings. Dun ka magti-take off."

Maliban sa Bubble Gang, regular ding napapanood si Michael V. sa weekly family comedy series na Pepito Manaloto, na walong taon nang umeere.


ABOUT THE AUTHOR

Writer at heart. Follow me on Twitter @tweetieberns


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN