Maine Mendoza, Arjo Atayde spotted together last Halloween at BGC bar

IMAGE Courtesy: @ArMaineians on Twitter

Photos of Maine Mendoza and Arjo Atayde wearing matching Halloween costumes are now viral online. 


Namataang muli ng netizens ang rumored couple na sina Maine Mendoza at Arjo Atayde sa isang high-end bar sa Bonifacio Global City (BGC), sa Taguig City, noong October 31.

Tila magkaterno ang Halloween costumes ng dalawa at pareho pa silang nakasuot ng makulay na mga wig.

Ngunit namukhaan pa rin sila at nakuhanan ng litrato ng ilang mga naroon sa bar.

Tweet ng netizen na nag-upload ng photo sa Twitter kagabi, November 13: “Here are some pics of ArMaine last Halloween at Brewery..." 

May kasama itong tatlong larawan.

Kinilig naman ang mga fans nilang binansagang ArMaine (Arjo-Maine).

Narito ang ilan sa kanilang mga reaksiyon:

Kung susumahin, humigit-kumulang limang beses nang namataang magkasama sina Maine at Arjo sa ilang pampublikong lugar. 

Noong October 11, una silang namataan ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa isang restaurant sa Makati.

Nasundan ito ng sighting sa kanila sa isang high-end bar sa BGC noong October 20.

Pinaniniwalaang magkasama rin sina Maine at Arjo na nagbakasyon sa Bali, Indonesia, base sa kumalat na Instagram Stories ng mga kasamahan nila noong November 4. 

Nitong November 8, huling nakunan ng litrato ang dalawa sa isang concert sa may Vertis North, Quezon City.

Bunsod nito, patuloy ang espekulasyon ng netizens na nagkakamabutihan na ang dalawa nang higit sa magkaibigan.

Tila naging malapit sa isa't isa sina Maine at Arjo mula nang magkatrabaho sa 2018 Metro Manila Film Festival (MMFF) entry na Jack Em Popoy: The PulisCredibles

At press time, wala pang opisyal na pahayag ang dalawa hinggil sa napapabalitang ugnayan nila. 


Stories We Are Tracking

Maine Mendoza, Arjo Atayde spotted together at concert
Maine Mendoza, Arjo Atayde spotted together at concert
Maine Mendoza, Arjo Atayde party at BGC bar: Date night?
Maine Mendoza, Arjo Atayde party at BGC bar: Date night?
Maine Mendoza, Arjo Atayde spotted at Makati resto
Maine Mendoza, Arjo Atayde spotted at Makati resto


ABOUT THE AUTHOR

Lead Correspondent, Top Story Man '12, Stringer of the Year '13, Top Contributor '14, Staff Reporter of the Year '15-'16 @arnielcserato (Twitter/Instagram)


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN