Vice Ganda on PBA player Calvin Abueva: "He's proud of me."

IMAGE Images from SPIN.ph / Jerome Ascano

Vice Ganda reveals why basketball player-friend Calvin Abueva holds a special place in his heart.



Puring-puri ni Vice Ganda, 42, si Calvin Abueva, 30, ng Phoenix Fuel Masters dahil sa pagiging proud ng PBA player sa pagkakaibigan nila.

Maraming beses ding nag-post ang It’s Showtime host sa kanyang Instagram Story na kasama si Calvin.

Kaya tanong ng marami: may espesyal bang namamagitan kina Vice at Calvin dahil madalas silang makitang magkasama?

Nitong September, nagsimulang ma-link sina Vice at Calvin.

Pero sa hiwalay na interview, nilinaw ng dalawa na magkaibigan lang sila.

Gayunpaman, madalas maging tampulan ng tukso si Vice ng kanyang kapwa co-hosts sa ABS-CBN noontime show.

Base sa hirit ng mga hosts ay malinaw na romantic ang panunukso ng mga ito kina Vice at Calvin. 

Kapansin-pansin din na madalas binabago ni Vice ang usapan sa tuwing tutuksuhin siya kay Calvin.

Pero sa episode ng It’s Showtime nitong Martes, November 14, game na nakipagkulitan si Vice nang asarin siya kay Calvin.

Habang umeere ang episode ay may kausap si Vice sa cellphone, at tinukso siya ng kasamahang hosts ng noontime show.

Ni-loud speaker ni Vice ang cellphone niya at si Calvin nga ang kausap.

Sa isang punto ng show, pinuri ni Vice si Calvin, “Nakakatuwa talaga. Mabait 'yan. Bongga 'yan. Nag-iisa 'yan.”

Ang paglalarawan niya kay Calvin ay “my friend.”

Sinabi rin ni Vice kung bakit espesyal sa kanya ang basketball player.

“Sa dinami-dami naman ng mga naging kaibigan ko, iba 'yan. Mabait talaga siya. And he’s proud of me that I am his friend. Iba siya...” 

MEANINGFUL TWEETS

Hindi rin nakaligtas sa mapanuring netizens ang dalawang makahulugang tweet ni Vice kahapon. 

Hindi nagdetalye si Vice kung tungkol saan ang kanyang tweet.

Pero ang tingin ng netizens ay reaksyon ito ni Vice sa episode ng It’s Showtime kung saan pinag-usapan si Calvin.

Unang tweet ng comedian-TV host: “Masarap malamang andaming ibang taong masaya para sa kasiyahan mo. at kinikilig din sa bawat kilig mo. lalong nakakadagdag ng saya!!! maraming salamat!!!”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


Sumunod niyang tweet: “Wag kayong mag alala. Gagamitin ko tong sayang to para mas lalo ko pa kayong mapasaya araw araw. Maraming salamat ulit!”

KISS AND HUG FROM CALVIN

Noong nakaraang linggo, nanood si Vice ng game ni Calvin sa PBA Governor’s Cup.

Kasama ni Vice na nanood ang It's Showtime co-hosts niyang sina Karylle at Ryan Bang.

Natalo ng Meralco Bolts ang koponan ni Calvin na Phoenix Fuel Masters.

Sa pagtatapos ng laro, nakita ng mga nasa venue na hinubad ni Calvin ang kanyang jersey at ibinigay kay Vice.

Nakunan din ng larawan nang bumeso at magyakap sina Vice at Calvin.

READ: After heartbreak loss, Calvin gets buss, comforting words from Vice Ganda


ABOUT THE AUTHOR

Writer at heart. Follow me on Twitter @tweetieberns


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN