Mika dela Cruz denies being third party in Nash Aguas-Alexa Ilacad breakup

IMAGE Noel Orsal / Nikki Bagaporo Youtube account

Mika dela Cruz recalls being "maldita" to Nash Aguas because of her sister Angelika dela Cruz's no-boyfriend rule. "Sobrang maldita ko sa kanya before, as in sobrang brino-zone ko siya dahil takot ako sa ate ko. So akala niya walang pag-asa, napagod siya," recalls Mika.



Itinanggi ni Mika dela Cruz na siya ang dahilan kung bakit naghiwalay si Nash Aguas at ang dating ka-love team nito na si Alexa Ilacad.

Noong October 20 naging opisyal na magkarelasyon sina Mika, 19, at Nash, 20.

Sabi ni Mika tungkol dito, "Kasi matagal na silang break noong nagkita kami uli ni Nash.

"Nagkita kami sa isang Goin' Bulilit reunion, ilang months na silang break at noong time na yun, hindi kami nag-usap ni Nash.

"Di nga kami nag-usap sa reunion, e, kasi magkagalit kami noong time na yun.

"Pero after, that was last August 2017 na nagkita kami ulit, meron akong pinagdaanan personally at pumunta sila ng mom niya, kasi family friends kami," pagtukoy pa rin ng dalaga kay Nash.

"So, doon lang kami nagkita ulit, ang tagal na.

"So, wala yung sinasabing third party. Oh my God! Hindi naman ako ganun!"

Eksklusibong nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Mika sa 40th birthday party ni Jolina Magdangal noong Miyerkules, November 7, sa Cove Manila, Paranaque City.

Sa hiwalay na panayam ng PEP.ph noong October 26, inamin ni Nash na sa totoong buhay ay nagkaroon sila ng mutual understanding ni Alexa, 18.

Pero nilinaw din ni Nash na two months na silang hiwalay ni Alexa bago pa man nagkrus ang landas ng binata at ni Mika noon ngang August 2017. 

Kakatuwang magkakasabay sumabak sa showbiz sina Mika, Nash, at Alexa. 

Bukod sa Goin' Bulilit, magkakasama rin ang tatlo sa second batch ng Kapamilya youth-oriented weekend series na Luv U noong 2013.

Si Nash at Alexa ang magka-love team, habang ka-love triangle nila si Mika.

Ilang buwan matapos ang pagpasok nila sa Luv U, kinailangang umalis ni Mika sa show dahil sinimulan niya ang prime-time series na Mira Bella, kung saan naging kontrabida siya ni Julia Barretto.

Kaya nang tanungin si Mika kung kamusta sila ni Alexa, aminado ang GMA-7 actress na matagal na raw silang hindi nagkikita at nagkakausap.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Lalo silang nawalan ng komunikasyon noong late 2016 dahil lumipat si Mika sa Kapuso Network, kunsaan siya nag-aartista hanggang sa kasalukuyan. 


Stories We Are Tracking

Nash Aguas confirms Mika dela Cruz is now his girlfriend
Nash Aguas confirms Mika dela Cruz is now his girlfriend
Nash admits past romantic relationship with Alexa
Nash admits past romantic relationship with Alexa
Mika dela Cruz admits being courted by Nash Aguas
Mika dela Cruz admits being courted by Nash Aguas



NASH AND MIKA'S "SECOND CHANCE"

Hindi rin daw pumasok sa isip ni Mika na itago ang relasyon nila ni Nash.

Noong October 20, sinagot na ni Mika si Nash. 

Pagkalipas lang ng ilang araw nang sagutin si Nash, na-interview si Mika at umamin din agad nang matanong kung may relasyon sila ng binata.

"Kasi kakasagot ko lang sa kanya noong 20. Parang one year mahigit siyang nanligaw sa akin, so sinagot ko siya ng 20.

"So ako naman, dahil never ako nagsinungaling o naging showbiz, talagang first boyfriend ko siya, so first talaga na may aaminin ako.

"E, di, tinanong ako, 'Kumusta na ba?' kung gaano katagal nanligaw.

"Ang weird namang magsinungaling ako na, di ba, kami na nga, limang araw na?

"So, sinabi ko na kami na. Ganun siya lumabas pero kakasagot ko lang talaga noon."

Ilang araw matapos ang interview ng PEP.ph kay Mika, ikinuwento nila ni Nash sa Instagram ang kanilang 11-years-in-the-making love story.

Nabanggit dito ni Nash na crush na niya si Mika noon pang 2007, subalit lagi siyang tinatarayan nito.

Ikinuwento naman ni Mika na lagi niyang "bino-bro zone" si Nash, kaya laging nauudlot ang panliligaw ng binata.

Tugma ito sa kuwento ni Mika sa panayam sa kanya ng PEP.ph.

Patuloy ng Kapuso actress, "Kasi yung kay Nash, bata pa lang kami, nauudlot lang 'lagi yung sa amin, e.

"Bata pa lang, kami yung close talaga, kaming dalawa.

"Nauudlot lang 'lagi and nag-grow kami sa kanya-kanyang pinagdaanan."

Hanggang sa nabigyan ng pangalawang pagkakataon ang nauudlot nilang love story nang magkita ulit sila noong August 2017.

"So, noong nagkita kami ulit, second chance yun naming dalawa na ayusin," paliwanag ni Mika. 

"Gusto namin ayusin, yung totoong proseso. Kumbaga, manliligaw nang maayos."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


Stories We Are Tracking

Nash chronicles love story timeline with Mika
Nash chronicles love story timeline with Mika

ANGELIKA SUPPORTIVE OF MIKA-NASH

Tandang-tanda rin ni Mika kung gaano siya ka-"maldita" noon kay Nash.

Balik-tanaw ni Mika, "Talagang lahat ng family occasion namin, nandoon siya, since six years old.

"Kasi yung kuwento noon, actually nakakatawa, sobrang maldita ko sa kanya before, as in sobrang brino-zone ko siya dahil takot ako sa ate ko." 

Strikto raw kasi ang ate ni Mika, ang aktres na si Angelika dela Cruz.

Hindi pinapayagan ni Angelika na mag-boyfriend si Mika, kaya kinailangan daw i-discourage ng huli ang panliligaw ni Nash noon. 

"Meron akong kontrata sa kanila na bawal ako magboyfriend, di ba? So bawal ako magboyfriend.

"So, nakikita ko na 'lagi siya nandiyan. Kinabahan ako, na medyo sabi ko, friends lang kami dapat.

"So, ayun, medyo maldita lang ako. So, akala niya walang pag-asa, napagod siya."

Pero ngayong nasa tamang edad na sina Nash at Mika, aprubado na ni Angelika ang relasyon ng young couple.

Sabi pa ni Mika tungkol sa kanyang ate, "Sobrang supportive naman yun, in fairness. Siya ang unang naglabas tungkol sa aming dalawa.

"'Lagi siyang nag-a-IG story.

"Mabait kasi si Nash at saka talagang nag-e-effort sa kanila, sa family ko."

Ano ang reaksiyon ni Angelika nang malamang sinagot na ni Mika si Nash?

Sagot ng Pamilya Roces actress, "Tinatanong nga niya ako, 'Kailan mo na ba sasagutin? Dapat sagutin mo para parehas ng anniversary!' 

"Kinukulit niya ako, so, noong sinagot ko, gulat na gulat siya, kilig na kilig!

"Nagpapakuwento siya kung papaano nangyari. Natuwa siya. Kilig na kilig."

Sa ngayon, gusto raw bumawi ni Mika sa lahat ng pagmamalditang ginawa niya kay Nash noong mga bata pa sila.

"Feeling namin both, mature na kami, e. Yung dati kasi talagang hindi magwo-work out dahil di pa kami hubog as a person.

"So, in a way, ngayon, excited akong makabawi sa kanya, sa lahat ng pagmamaldita ko.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Ang ginagawa ko dati, sobra talaga! Kunyari binyag ng pamangkin ko, birthday ng pamangkin ko, i-invite ko tatlong crush ko sa school, apat, tapos i-invite ko siya!

"Di ko siya sasabihan, sila lang kakausapin ko. Sobrang binully ko siya, sira ulo ako noong bata, e!

"So ayun, sobrang excited ako kasi kumbaga feeling ko, right timing [ito] to make it right."




ABOUT THE AUTHOR

Let's talk TV @jimpylosophies on Facebook, Twitter, and Instagram.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN