Mika dela Cruz shares her version of 12-year love story with boyfriend Nash Aguas

IMAGE Courtesy: @mikadlacruz on Instagram

Mika dela Cruz reacts to boyfriend Nash Aguas's post about their love story: "Salamat sa 12 years."


Naging usap-usapan sa social media ang madamdaming series of Instagram posts ni Nash Aguas, 20, tungkol sa love story nila ng girlfriend na si Mika dela Cruz, 20.

Halos 12 taon kasi muna ang dumaan bago naging sila sa totoong buhay.

Magkasabay silang lumaki, dahil linggu-linggo silang nagkikita sa set ng Goin' Bulilit (GB) ng ABS-CBN.

 IMAGE Courtesy: @mikadlacruz on Instagram

Saad pa ni Nash ukol sa nobya, “Sa bandang huli, sya din pala ang bubuo sa akin." 


Stories We Are Tracking

Nash chronicles love story timeline with Mika
Nash chronicles love story timeline with Mika

LOVE, ROSIE INSPIRED STORY

Dahil sinimulan daw ni Nash ang paglahad sa publiko ng kanilang love story, nagbahagi naman si Mika ng kanyang bersiyon sa love story nila sa Instagram din.

Kahapon din, nagbahagi si Mika ng siyam na larawan nila ni Nash mula noong mga musmos pa lamang sila hanggang magiging binata at dalaga.

 IMAGE Courtesy: @mikadlacruz on Instagram

Panimula ni Mika, “Teka lang!!! Sinimulan eh tapusin ko nga… so, nakwento niya na naman yung flow nung storya namin…

“Actually, maraming nakakaalam nung kwento namin simula bata, pero marami ring hindi.

“Sa totoo lang guys kung tinatamad kayong basahin to manood nalang kayo ng movie na Love, Rosie yun ang eksaktong kwento…”

 IMAGE Courtesy: @mikadlacruz on Instagram

Ang Love, Rosie ay ang 2014 romantic-comedy movie na pinagbidahan nina Lily Collins at Sam Claflin.

Tumatalakay ang pelikula sa dalawang taong sabay na lumaki, naging mag-bestfriend, nagkahiwalay ng landas, at natuklasan nilang mahal pala nila ang isa’t isa sa bandang huli.

“ANG AGAA LUMANDI!”

Umamin naman si Mika na binu-bully talaga niya si Nash nung nagsisimula pa lang sila sa Goin' Bulilit.

Pagpapatuloy pa niya, “So, ayun bago pa Goin' Bulilit magkakilala na kami, nagkakilala kami sa movie namin na Tiyanaks.

“Takang-taka siya sakin kasi nung bata ako di ako nagsasalita, mahilig din ako sa mga kababalaghan.

“Nung pumasok ako sa GB, naging friends kami at lagi ko na siyang binubully…

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Hanggang sa nahuli kami ng kuya ko na nag ILY [I love you] sa text.. (ANG AAGA LUMANDI!!)

 IMAGE Courtesy: @mikadlacruz on Instagram

“Kaya naman natakot ako at ginawan ako ng kontrata ng mga kapatid ko na bawal akong magboyfriend hanggang mag 18 ako.

“Dun ako nagstart maging sobrang boyish, at sobrang nabro-zone ko si Nashie!

“Tawagan pa nga namin dati ‘TOL.’

 IMAGE Courtesy: @mikadlacruz on Instagram

“Online games (Crossfire) ang talagang naging bonding namin ever since bata kami.

“Mahilig din kami sa mga spontaneous na adventures katulad ng may taping kami tas maaga kaming mapapack-up, magkikita kami sa Tagaytay tapos maliligo kami sa ulan.

“Ang lagi naming kasama sa mga kalokohan at lakad namin ang parehas naming supportive at cool mommies at syempre ang aming mga tulay na si kuya Philip, kuya Reyjohn, at si Nikki.

"Halos lahat ng masasayang memories nung bata ako kami ang magkasama.

"Magkaibigan kami pero sobrang magkaaway din. ASO’T PUSA to be exact.

"Lagi ko siyang tinatarayan KASI NGA..."

“SALAMAT SA 12 YEARS…”

Sa huli, sinabi ni Mika na inakala daw nila na hindi na sila magkakaroon pa ng ugnayan.

 IMAGE Courtesy: @mikadlacruz on Instagram

“Hindi kasya dito kung ikkwento ko lahat ng memories namin simula bata hanggang ngayon. Pero umabot din kami sa point na life happened.

 IMAGE Courtesy: @mikadlcruz on Instagram

“Akala namin talagang di na kami magkikita.

“Pero sa mga pinagdaanan naming dalawa individually, nagmature kami…

“Ng biglang.. isang araw, pa-children’s book na to eh no… nagkita kami at boom.

“To be continued… salamat sa 12 years.”

 IMAGE Courtesy: @mikadlcruz on Instagram
View this post on Instagram

teka lang!! sinimulan eh tapusin ko nga ???????? so nakwento niya na naman yung flow nung storya namin.. actually maraming nakakaalam nung kwento namin simula bata, pero marami ring hindi. sa totoo lang guys kung tinatamad kayong basahin to manood nalang kayo ng movie na “Love Rosie” yun ang eksaktong kwento.. ???? so ayun bago pa goin bulilit magkakilala na kami, nagkakilala kami sa movie namin na “Tiyanaks”. takang taka siya sakin kasi nung bata ako di ako nagsasalita, mahilig din ako sa mga kababalaghan. nung pumasok ako sa GB, naging friends kami at lagi ko na siyang binubully.. hanggang sa nahuli kami ng kuya ko na nag ILY sa text.. (ANG AAGA LUMANDI!!) kaya naman natakot ako at ginawan ako ng kontrata ng mga kapatid ko na bawal akong magboyfriend hanggang mag 18 ako ???? dun ako nagstart maging sobrang boyish, at sobrang nabro zone ko si nashie! tawagan pa nga namin dati “TOL” ???? online games (crossfire) ang talagang naging bonding namin ever since bata kami. mahilig din kami sa mga spontaneous na adventures katulad ng may taping kami tas maaga kaming mapapack up magkikita kami sa Tagaytay tapos maliligo kami sa ulan. ang lagi naming kasama sa mga kalokohan at lakad namin ang parehas naming supportive at cool mommies at syempre ang aming mga tulay na si kuya philip, kuya reyjohn, at si nikki. halos lahat ng masasayang memories nung bata ako kami ang magkasama. magkaibigan kami pero sobrang magkaaway din. ASO’T PUSA to be exact. lagi ko siyang tinatarayan KASI NGA ???? hindi kasya dito kung ikkwento ko lahat ng memories namin simula bata hanggang ngayon.. pero umabot din kami sa point na life happened. akala namin talagang di na kami magkikita. pero sa mga pinagdaanan naming dalawa individually, nagmature kami.. ???? ng biglang.. isang araw, ???? pa children’s book na to eh no.. nagkita kami at boom ???? to be continued.. salamat sa 12 years

A post shared by @ mikadlacruz on


ABOUT THE AUTHOR

Lead Correspondent, Top Story Man '12, Stringer of the Year '13, Top Contributor '14, Staff Reporter of the Year '15-'16 @arnielcserato (Twitter/Instagram)


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN