Kim Chiu finally confirms relationship with Xian Lim

by Bernie V. Franco
Nov 15, 2018
Kim Chiu, 28, finally confirms that Xian Lim, 29, is her boyfriend.

Inamin na sa wakas ni Kim Chiu, 28, na boyfriend niya si Xian Lim, 29.

Sa interview ng Kapamilya actress sa November 14 episode ng Tonight With Boy Abunda, napaamin siya sa totoong estado ng relasyon nila ni Xian.

Usisa ng host na si Boy Abunda: bakit nahihirapan sina Kim at Xian na aminin ang totoong estado ng kanilang relasyon?

Tugon ni Kim, “Alam naman na… oo naman. Alam naman na ng mga tao.”

Bakit hindi nila maaming direkta na “officially together” na sila?

“Tito Boy, grabe po yun, mahirap po yun sa 28-years-old,” pabirong sagot ni Kim.

Pero pagkumpirma ng aktres sa huli, “Oo naman. Oo naman. Yes.”

NO WEDDING PLANS YET

Mariin naman ang sagot ni Kim sa mga tanong ni Boy tungkol sa pagpapakasal.

Sa palagay ba niya ay si Xian na ang “the one”?

“Ay, grabe! Hindi ko pa alam, Tito Boy. Wala pa yung isip ko sa ganun,” sagot ni Kim.

Continue reading below ↓

Hindi pa ba niya naiisip magpakasal na lalo't 28-anyos na siya?

“Wala pa. Wala sa isip ko ngayon.”

Hindi pa raw nila pinag-uusapan ni Xian ang kasal.

“Hindi namin pinag-uusapan din. Kasi siya din.

"Marami pa kaming priorities, marami pa kaming gusto sa buhay. And bata pa naman.

Continue reading below ↓
Recommended Videos

“Ngayon naman, ang mga career women, 30-plus na nila iniisip [magpakasal].

"Pag 30 na sila, don na sila naghahanap [ng mapapangasawa].”

Nabuo ang tambalang Kim at Xian—mas kilala sa tawag na KimXi—nang ipareha sila sa ABS-CBN prime-time series na My Binondo Girl noong 2011.

Dito rin sila nagsimulang ma-link romantically.

Sa loob ng maraming taon at sa kabila ng di mamatay-matay na isyung may namamagitan sa kanila, walang direktang pag-amin sina Kim at Xian sa tunay na estado ng relasyon nila.

Bukod sa Binondo Girl, nagtambal din sina Kim at Xian sa mga teleseryeng Ina, Kapatid, Anak (2012) at The Story of Us (2016).

Continue reading below ↓

Sa pelikula, nagtambal sila sa Bakit Hindi Ka Crush ng Crush Mo? (2013), Bride For Rent (2014), Past Tense (2014), at All You Need is Pag-Ibig (2015).

STORIES WE ARE TRACKING

Read Next
Read More Stories About
Kim Chiu, Xian Lim
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Kim Chiu, 28, finally confirms that Xian Lim, 29, is her boyfriend.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results