Kris Aquino on threatening Nicko Falcis: "Sino nagsabi?"

IMAGE Rachelle Siazon

Kris Aquino to Nicko Falcis: "Kaya nga kaya kong sabihin, kaya kitang patawarin. Pero magpakita ka naman sa akin. Na you're at least trying to meet me halfway because I've done more than my share."


#KrisAquinoVsNickoFalcis

Hindi nagpatinag si Kris Aquino sa alegasyong binantaan niya ang buhay ni Nicko Falcis.

Dating business manager ni Kris si Nicko, na sinampahan niya ng reklamong 44 counts of qualified theft sa pitong lungsod ng Metro Manila.

“Sino ang nagsabi? O sana si Nicko ang nagsalita,” ang parting words ni Kris sa PEP.ph at ilan pang media bago umalis ng Mandaluyong Prosecutor’s Office, ngayong Huwebes ng hapon, November 15.

Dito ay personal na pinanumpaan ni Kris ang walo sa 44 counts ng reklamong qualified theft na isinampa niya roon.

 IMAGE Rachelle Siazon

Ang iba pang reklamo ni Kris laban kay Nicko ay nakasumite sa Prosecutor's Office ng Quezon City, Makati, San Juan, Pasig, Taguig, at Manila. 

Sa hiwalay na presscon kaninang umaga, sinabi ng kapatid ni Nicko, si Atty. Jesus "Jess" Falcis, ang diumano’y pagbabanta ni Kris laban kay Nicko.

Hindi kasama si Nicko sa presscon dahil kasalukuyan itong nasa ibang bansa. Si Atty. Falcis ang tumayong spokesperson para sa pamilya Falcis, na nag-issue ng statement.


Stories We Are Tracking

Kris Aquino to Nicko Falcis:
Kris Aquino to Nicko Falcis: "YOU WILL BE DEAD"

WATCH: Official statement of Nicko Falcis on Kris Aquino's accusations

Ayon kay Kris, nakarating sa kanya ang mga pahayag ni Atty. Falcis.

“Actually, I’m okay.

“I purposely read what was said.

“I didn’t watch kasi you don’t want to watch, but you would want to read, para alam mo kung anong mga sinabi at kung puwede pang maayos ito o hindi.”

Pagkatapos ay nagpatutsada na si Kris hinggil sa umano’y panghihimasok ng kapatid ni Nicko, gayong ang legal battle ay sa pagitan lamang daw ng TV host/actress/web star at ng dating katrabaho nito sa Kris C. Aquino Productions (KCAP).

Nakarating daw kasi kay Kris ang pag-atake sa kanya ni Atty. Falcis sa pamamagitan ng tweets nito sa Twitter.

Binasa ni Kris ang ilan sa mga ito:

“So, kahapon, eto yung sinabi, ‘Naku, meron talagang tino-taunt ako na magpasabog ng utak ng mga tao because of dilawan s-h-i-t. Basta I love PNoy. He was good for the economy…’

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Tapos nag-name na siya ng faults [ni PNoy]. Love mo, ha?"

Dinagdag pa ni Kris na pinagsasabi raw ni Atty. Falcis: “Pero sa pagpapatuloy, this was dated October 22, ‘Yes, mag-antay ka, baka akalain mo DDS ako pag nag-statement kami, kung hindi pa din sila titigil sa mga kasinungalingan."

Sinabi rin daw ni Atty. Falcis: “’Remember we are just a 'Romualdez,' and they are an established dynasty.’”

Pagkatapos nito ay sinabi ni Kris na deleted na raw sa Twitter ang mga posts na ito ni Atty. Falcis.

Ngunit dahil hindi maintindihan ang sinabi ni Kris, partikular na yung sinabi raw ni Atty. Falcis na Romualdez siya, tatanungin sana si Kris tungkol dito.

Ngunit sa puntong ito, tumuloy-tuloy na si Kris tungkol sa hindi niya pagdamay sa mga kapatid sa isyu nila ni Nicko.

Sabi ni Kris patungkol kay Atty. Falcis, “Simple lang, ha? I’ve never met you.

“I also checked kasi baka may mga sabihin sa kapatid ko—he has never met my brother.

“Even Nicko has never met my brother.

“So, hindi ito away-pamilya.

“This is something that is unfortunate.

“But I will repeat this—kasi the last statement was we are open for an amicable settlement. We tried six times. What changed?”

 IMAGE Rachelle Siazon

KRIS TO NICKO: "MAGPAKITA KA NAMAN SA AKIN."

Aminado si Kris na kung mayroon man siyang pinagkakautangan ng loob, iyon ay si Nicko lamang.

Lalo na’t si Nicko raw ang tumulong sa kanyang bumangon noong panahong kinailangan niyang sumabak sa digital platform matapos mawalan ng trabaho sa telebisyon.

“I will direct this to Nicko. He’s the one who had a major contribution in my life. We have gratitude.

“I’m sorry that it came to this, but I had to see papers I should not have seen, but unfortunately I did.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Patuloy ni Kris, “This could have been fixed. And I will reiterate that six times nag-attempt ang side namin.

“Kung patuloy naman na tinatanggihan ka, e, ikaw na ang naagrabyado, meron nang mali doon.”

Gayunman, hindi raw nawawalan ng pag-asa si Kris na puwede pa rin silang magkaayos ni Nicko.

“Sana naayos ‘to kung tayong dalawa lang.

“And sinasabi mo na kumuha ako ng powerful lawyers, powerful friends.

“Bakit hindi ko yun gagawin? E, kinabukasan 'to ng mga anak ko?

“E, yun nga ang masakit, e. Itinuring ka naming pamilya."

Dagdag pa ni Kris, “Kaya nga kaya kong sabihin, kaya kitang patawarin.

“Pero magpakita ka naman sa akin.

“Na you’re at least trying to meet me halfway because I’ve done more than my share.

“Every time I’ve had a milestone in my life, I shared it with you.

“I no longer blame you for all the health woes I went through because ibinigay ko na yun kay God.

“It’s really up to him.”

Ayon naman sa statement na binasa ni Atty. Falcis para sa kanyang pamilya ngayong araw din, ang dahilan ng hindi pag-uwi ni Nicko ay ang mismong pagbabanta raw sa buhay nito ni Kris.

Ngayon nga raw ay iniisip pa nila kung paano makakapasok si Nicko ng Pilipinas nang ligtas, lalo na kung hingin na ang presence nito ng korte.

 IMAGE Rachelle Siazon

NAMING NICKO FALCIS

Ayon kay Kris, sinubukan niyang hindi pangalanan si Nicko sa reklamong qualified theft na isinampa niya sa pitong lungsod sa Metro Manila.

“I did not make any unreasonable demands. My lawyers were being fair."

Sa diretsang address kay Nicko, sinabi nito: “You were never named until last night. You know why I did not name you?

“Because I know kung ilan ang followers ko. At hindi ko ginusto na gawin ito na sirain ang buhay mo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kung may fans ka—blindly, whether tama ka or mali ka, ikaw ang sasang-ayunan.

“Kaya lang, when you’re pushed against the wall, at yung buong kredibilidad mo inaatake na, yun na lang ang pinanghahawakan ko.

“Yun ang pinangbubuhay ko sa mga anak ko. So I want this fixed.”

NICKO GAVE BACK P437,595

Pagkaalis ni Kris, nagkaroon ng pagkakataon ang PEP.ph na makapanayam ang lawyer nitong si Philip Sigfrid Fortun.

Kinumpirma ni Atty. Fortun na PHP1.27M ang “actual damages” na nakasaad sa reklamong qualified theft na isinampa ni Kris laban kay Nicko.

Kinumpirma rin ng abugado na may pinaghahawakang text messages si Kris kung saan makikitang nag-"sorry" si Nicko sa paggamit ng KCAP credit card at sa iba pang hindi nila pagkakaunawaan ng TV host-actress.

Paliwanag ni Atty. Fortun, “I think pag sinabi mong you already made an admission, so you already gave comments about it.

“That constitutes already a confirmation what it was that actually occurred.

“Everything is all for the prosecutor to evaluate.”

Sa huli, hiningan ng reaksiyon si Atty. Fortun hinggil sa pahayag ni Atty. Falcis na kakatwa ang pagsampa ng reklamong pagnanakaw dahil sa umano’y paggamit ng credit card.

Katuwiran kasi ni Atty. Falcis, maituturing na utang ang credit card at hindi hard cash.

May bearing nga ba kung pera o credit card ang ginamit sa reklamong pagnanakaw?

Sagot ni Atty. Fortun, “I really don’t know, because all of those are the arguments of the lawyer, e.

“But one thing for sure is that if there is already an admission to that effect, that there was credit card used.

"I think it’s the prosecutor who can make the decision on the matter, whether it’s weak or strong.” 

Umiwas namang sumagot ng abugado sa usapin ng pagsauli ni Nicko kay Kris ng tsekeng nagkakahalaga ng P437,595.67 noong September 19.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sagot ni Atty. Fortun, "Mas madami pala kayong alam sa akin."

Sa complaint affidavit ni Kris, nakasaad na nangyari ito matapos niyang madiskubreng ginamit ni Nicko ang credit card sa diumano'y "personal expenses" nang walang paalam.

Ayon sa complaint: "Even with his attempt at reparation, however, respondent's misappropriation of KCAP's credit was a complete fact—done in serious breach of my trust—which monetary recompense alone could not make right.

"Hence, this Complaint."

Sa November 26 ang schedule ng susunod na hearing ng reklamo ni Kris kay Nicko sa Mandaluyong Prosecutor's Office.

Nakapagsumite rin ngayong araw ng counter-affidavit ang kampo ni Nicko. 

Pinaalala ng senior assistant prosecutor ng Mandaluyong, si Lourdes Javelosa-Indunan, na sa December 13 ay "submitted for resolution" na ang Omnibus Complaints ng magkabilang partido.

Nananatiling bukas ang PEP.ph sa anumang pahayag ng mga personalidad na nabanggit sa artikulong ito.


Stories We Are Tracking

Kris Aquino names Nicko Falcis in theft complaint
Kris Aquino names Nicko Falcis in theft complaint
Kris Aquino to Nicko Falcis:
Kris Aquino to Nicko Falcis: "YOU WILL BE DEAD"


ABOUT THE AUTHOR

Follow Rachelle Siazon on Twitter: @pinkshi


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN