Kris Aquino & Nicko Falcis camps take word war to social media

IMAGE Noel Orsal / Arniel Serato

Before their separate interviews of November 15, Kris Aquino (left) and Atty. Jesus Nicardo Falcis (right), brother of Nicko Falcis, had been posting barbs against each other on social media.


#KrisAquinoVsNickoFalcis

Umabot na sa social media ang batuhan ng mga akusasyon nina Kris Aquino at Nicko Falcis.

Kaugnay ito ng alegasyon ni Kris na ninakawan umano siya ng PHP1.27 million ni Nicko, gamit ang credit card ng Kris C. Aquino Productions (KCAP), ang production company na pag-aari ng TV host/actress/web star.

Si Nicko ay dating managing director ng KCAP.

Pinangalanan ni Kris si Nicko bilang respondent sa 44 counts of qualified theft complaint na inihain niya sa Prosecutor's Office ng pitong lungsod.

Kahapon, November 15, parehong humarap sa media si Kris at ang kampo ni Nicko.

Nung umaga ay nakausap ng piling media, kasama ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), ang kapatid ni Nicko na si Atty. Jesus Falcis.

Dito ay pinabulaanan ni Atty. Falcis ang mga alegasyon ni Kris laban sa kanyang kuya.

Sinabi rin ng abugado at radio personality na binantaan diumano ni Kris ang buhay ni Nicko.

Kinahapunan, si Kris naman ang nakausap ng media nang pumunta ito sa Mandaluyong Prosecutor’s Office upang panumpaan ang inihaing qualified theft complaint laban kay Nicko.

Dito ay ipinaliwanag ni Kris kung bakit umabot sa puntong kinailangan niyang maghain ng reklamo laban kay Nicko sa kabila ng magandang pinagsamahan nila noon.


Stories We Are Tracking

Kris Aquino names Nicko Falcis in theft complaint
Kris Aquino names Nicko Falcis in theft complaint
Kris Aquino to Nicko Falcis:
Kris Aquino to Nicko Falcis: "YOU WILL BE DEAD"

“RICH GIRL GONE CRAZY”

Pero bago pa sila magsalita sa publiko, sa social media ay may mga palabang pasaring na ang dalawang kampo laban sa isa’t isa.

Makahulugan ang Instagram post ni Atty. Falcis noong November 14.

Hindi niya direktang pinangalan si Kris, subalit ang mga deskripsyon niya ay patukoy sa TV host-actress.

Simula ng kanyang post, “Hey Rich Girl Gone Crazy ala Gone Girl, don’t be a spoiled oligarch brat.”

May reference ito sa Hollywood movie na Crazy Rich Asians, kung saan may special participation si Kris.

Patuloy ni Atty. Falcis, “No SPA, no meeting? No mom, no meeting? No immediate compromise, no settlement? Ano ka hello? We weren’t born yesterday noh.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nag-elaborate ang abugado tungkol sa bahaging ito ng kanyang post sa presscon niya kahapon ng umaga, November 15.

Aniya, may demands umano sa kanila si Kris noong nagkakaroon pa sila ng mga pag-uusap para sa settlement.

Noong October, nag-set umano ng meeting si Kris, pero nagbigay siya ng kundisyong dapat ay kasama ang ina ng magkapatid na Falcis.

Sabi ni Atty. Falcis sa presscon kahapon, “Nung parang sinabi na namin na, ‘Our mom might likely be not available, it will be only my sister… lawyer, etcetera.’”

Sagot daw ni Kris, “If there is no mom, no meeting.”

Ayon pa kay Atty. Falcis, “And then in the other negotiations, ‘No SPA [Special Power of Attorney], no meeting.’ Gusto niya magsa-sign kami kaagad? We’re not dumb, no. Hindi kami ipinanganak kahapon na…

“You have to review whatever agreement; compromise will come out. Back and forth, if it’s acceptable to both parties, then we sign.”

Inamin din ni Atty. Falcis sa presscon na dahil na rin sa request ng kampo ni Kris, nagpigil siya sa kanyang pagpu-post sa social media.

“Pag may ni-request sila, like, huwag kaming magsalita in public.

"Ako daw, control myself dahil minsan nagtu-tweet ako—kinontrol ko ang sarili ko.

“[There were] times when we would speak out, [but] never na explicit.

"Ako, yung mga tweets ko lang—mga pahaging, ganun—was when Ms. Aquino herself would post numerous Facebook, IG, YouTube posts…

“She would tell Atty. Sigfrid Fortun to tell our family, ‘Don’t talk in public…’ and yet she would keep talking, and talking, and talking…”

ATTY. FALCIS: “FIGHTER KAMI.”

Sa Instagram post niya, pinanindigan ni Atty. Falcis na inosente ang kanyang kapatid na si Nicko mula sa akusasyon ni Kris.

“Una, walang ninakaw. Ikalawa, ikaw, binantaan mo buhay nya.

“Baka ano na namang sakit makuha mo pag kami na naglabas ng mga ALAS namin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Ikatlo, fighter kami, lalo na Mom namin.”

Pagtatapos ni Atty. Jesus para kay Kris: “If you’re going to go back to your strategy of using your PR connections to defame him, be careful what you wish for, you just might get the publicity you so crave.”

KRIS: “YOU BETRAYED ME.”

Sa kanyang recent Instagram posts, gumamit naman si Kris ng makahulugang quotes.

Post niya nitong Miyerkules, November 14: “Lying and stealing are next door neighbors.”

Sa caption ay ibinigay ni Kris ang detalye ng kanyang schedule pagpunta sa Mandaluyong Prosecutor's Office nitong Huwebes.

Sinundan niya ito ng statements kagaya ng mga sumusunod:

“I trusted you. And you betrayed me.”

“Why would you do that to me after I gave you everything that I had?”

Kalakip ng post na ito ay ang screenshots ng credit-card billing na pruweba umano ng paggamit ni Nicko ng pera ng KCAP nang walang pahintulot.

Nakapaloob din ang screenshots na ito sa Complaint Affidavit ni Kris.

Noong September pa nagsimula si Kris sa pagpu-post ng mga mensahe sa Instagram tungkol sa isang taong pinagkatiwalaan niya raw pero nanloko at nagnakaw umano sa kanya.


Stories We Are Tracking

Kris Aquino loses weight due to current upheaval
Kris Aquino loses weight due to current upheaval
Kris vows to seek justice against unnamed
Kris vows to seek justice against unnamed "financial abuser"
Kris set to return to work; refuses to name financial abuser
Kris set to return to work; refuses to name financial abuser


ABOUT THE AUTHOR

Writer at heart. Follow me on Twitter @tweetieberns


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN