Arjo Atayde happy amid rumored romance with Maine Mendoza

IMAGE Noel Orsal

Arjo Atayde on status of his love life: "Masaya ako." He has been spotted going out with Maine Mendoza several times since October this year.



Short but sweet ang pahayag ni Arjo Atayde nang tanungin tungkol sa estado ng kanyang love life ngayon. 

"Masaya po. Masaya ako," sambit ni Arjo sa panayam ng ABS-CBN News Online ngayong Huwebes, Nobyembre 15.  

Hindi tinukoy ni Arjo kung sino ang nagbibigay-inspirasyon sa kanya. 

Pero hindi kaila sa publiko ang humigit-kumulang limang beses na pagkakataong namataan ang ABS-CBN actor kasama ang Eat Bulaga! Dabarkads na si Maine Mendoza. 

Mula October 11 hanggang nitong November 9, nakunan ang litrato ang dalawa na masayang nagkukuwentuhan sa restaurant, tsumi-chill sa bar, nakasuot ng matching Halloween costumes, at nanonood ng concert. 

Bukod pa rito ang insidenteng namataan sina Maine at Arjo—kasama ng ibang kaibigan at kaanak—sa Bali, Indonesia, isang araw bago ang 28th birthday ni Arjo noong November 5. 


Stories We Are Tracking

Maine posts photo in Bali after alleged sighting with Arjo
Maine posts photo in Bali after alleged sighting with Arjo
Maine, Arjo spotted together last Halloween at BGC bar
Maine, Arjo spotted together last Halloween at BGC bar
Maine Mendoza, Arjo Atayde spotted together at concert
Maine Mendoza, Arjo Atayde spotted together at concert
Maine Mendoza, Arjo Atayde party at BGC bar: Date night?
Maine Mendoza, Arjo Atayde party at BGC bar: Date night?

Kapansin-pansing halos pareho ng sagot sina Arjo at Maine pagdating sa usaping love life. 

Sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at ibang reporters kay Maine noong October 19, 2018, nakangiting inamin ng dalaga, "I'm happy and inspired."

Nabanggit din ni Maine na kung sakaling magkaka-boyfriend siya, mas gusto niya yung "private" para makaiwas sa mga taong maaaring makialam sa kanyang relasyon. 

Pero hindi rin naman daw niya ito itatago sa publiko. 


Stories We Are Tracking

Maine reacts to Marian's revelation about her suitors
Maine reacts to Marian's revelation about her suitors
Marian Rivera teases Maine Mendoza about her suitors
Marian Rivera teases Maine Mendoza about her suitors

Samantala, ang nakababatang kapatid ni Arjo, si Ria Atayde, ay nagpahiwatig ding "happy" siyang nakikitang "happy" ang kanyang kuya.

Sinabi rin ni Ria na hindi apektado si Arjo sa anumang pambabatikos na natatamo nito sa social media. 

Mas importante raw para kay Arjo na alam ng mga taong malalapit sa kanila kung anuman ang nagaganap sa personal na buhay ngayon ng aktor. 

Ang huling nakarelasyon ni Arjo ay ang GirlTrends member na si Sammie Rimando. 

Mismong si Sammie ang nagkumpirmang hiwalay na sila ni Arjo, base sa isang panayam noong November 7. 


Stories We Are Tracking

Ria neither confirms nor denies Arjo-Maine romance rumors
Ria neither confirms nor denies Arjo-Maine romance rumors
Sammie Rimando confirms breakup with Arjo Atayde
Sammie Rimando confirms breakup with Arjo Atayde





ABOUT THE AUTHOR

Follow Rachelle Siazon on Twitter: @pinkshi


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN