Jak Roberto reveals why he and Barbie Forteza initially kept their relationship private

IMAGE Noel Orsal / @jakroberto on Instagram

Jak Roberto opens up why he and girlfriend Barbie Forteza initially decided to keep their relationship from the public.


Ikinuwento ni Jak Roberto kung paano nila napagdesisyunan ng girlfriend na si Barbie Forteza na maging open sa kanilang relasyon.

August 2017 nang aminin nina Jak, 24, at Barbie, 21, na magkasintahan na sila.

Pero bago iyon, iwas ang dalawa sa pag-amin sa tunay na estado ng relasyon nila.

Nagpaliwanag si Jak kung bakit sinikap nilang itago ang kanilang relasyon noong una.

“Choice naman namin yun, kasi kahit na nasa showbiz kami, gusto namin parang i-private yung sa’min. Para walang pressure,” sabi ng aktor sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa presscon ng 23rd anniversary ng Bubble Gang noong November 12.

“Kasi 'pag maraming nakakaalam, andaming ine-expect sa inyo. Ang daming demand sa inyo,” dugtong ni Jak.

“Ayaw namin ng gano'n.

“Parang gusto namin, chill lang. Parang kahit nasa showbiz kami, parang relax lang.”

Gayunpaman, inamin din nila sa publiko ang totoo dahil may mga indikasyon noon na may espesyal na namamagitan sa kanila.

“Wala, e. Lalabas at lalabas talaga dahil siyempre, nakikita ng mga tao na magkasama kami.

“Minsan, nagpo-post din kami sa social media—na nasa isang coffee shop—so, nase-sense na nila na may something sa’min.

“Hanggang sa unti-unti na lang nalalaman.

“Hindi rin namin pinilit.

“Hindi rin namin ipinagyabang sa tao yung sa'min.

“Parang mas nakatulong na unti-unti dahil tinanggap nila.”

 

GO WITH THE FLOW

Kung siya ang tatanungin, mas gusto ba niyang gawing pribado o ipaalam sa publiko ang kanilang relasyon?

“Ako kasi, go with the flow. As long as di naman nakakaapekto nang masama sa amin, wala namang nasasagasaang trabaho o tao, wala namang problema,” sagot niya.

“Ngayon, okey naman kami. Okey rin ang tao sa amin. Wala nang problema.”

Hindi rin apektado si Jak kung may ibang taong hindi pabor sa kanilang relasyon.

“Okey lang naman, basta wala silang sinasabing masama.

“May kanya-kanyang opinyon ang tao. Hindi mo naman mapi-please lahat,” pagtatapos niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

 


ABOUT THE AUTHOR

Writer at heart. Follow me on Twitter @tweetieberns


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN