Regine Velasquez reveals Ogie Alcasid cried because of her pairing with Robin Padilla

IMAGE Screengrab from Tonight With Boy Abunda / @ogiealcasid on Instagram

Regine Velasquez reveals why Ogie Alcasid got jealous of Robin Padilla: "He called me one time and he was crying and he felt so bad na parang, 'Bakit kailangan niyo pa gawin yun?' E, wala. Promo lang naman yun, e. 'Tapos hindi niya maintindihan."


Ibinunyag ni Regine Velasquez na dating nagselos ang asawa niyang si Ogie Alcasid kay Robin Padilla.

Ito raw ay noong panahong ginagawa ni Regine at Robin ang pelikulang Till I Met You noong 2006.

Noong panahong ding ito ay hindi pa lantad sa publiko ang relasyon nina Regine at Ogie.

Sa guest appearance ni Regine sa Tonight With Boy Abunda kagabi, November 16, kasama sa mga tanong sa kanya ang leading man na pinagselosan ni Ogie.

Diretso namang sinabi ng TV host na si Boy Abunda na si Robin nga raw ang pinagselosan ni Ogie.

Paliwanag ng 48-year-old singer-actress, "Kasi nagkasabay yung pelikula namin—yung second movie namin [ni Robin]. That time, kami na noon ni Ogie, e. We were not out yet.

"So siyempre, landian kami nang landian ni Robin Padilla sa pelikula na yun, ewan ko ba?

"Siyempre, nagseselos siya."

Naalala rin ni Regine nang biglang tumawag sa kanya si Ogie habang umiiyak.

"He called me one time and he was crying and he felt so bad na parang, 'Bakit kailangan niyo pa gawin yun?'

"E, wala. Promo lang naman yun, e."

'Tapos hindi niya maintindihan.

"E, after noong naging out na kami, tinanong ko sa kanya, bakit.

"Kasi siyempre, sabi niya, 'Hon, hindi tayo out, e. So feeling ko tagung-tago ako and I couldn’t tell anyone na, 'Ako yung mahal niya.' Parang, 'Acting lang yan.'"

Inamin naman ni Boy kay Regine na bago naganap ang interview nila, tinawagan na niya si Ogie at kinumpirma kung kanino ito nagselos sa mga naging leading man ng kanyang asawa.

Paglilinaw naman ni Regine, "Siya lang talaga pinagselosan."

REGINE WILL NEVER LEAVE OGIE

Kasunod na tanong ni Boy ay kung mayroon bang kasalanang nagawa si Ogie kay Regine.

Sagot ni Regine, "Sa totoo lang, wala, kasi you know I made a commitment not just to him but to God.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"So kahit ano pang kasalanan yun, siguro kaya kong patawarin, kaya kong palampasin dahil sa commitment na yun."

Kahit na kailan din daw ay hinding-hindi iiwanan ni Regine si Ogie, kahit na makagawa pa ito ng kasalanan sa kanya.

Natatawang sinabi ni Regine, "Kahit ayaw niya na sa akin, hindi ko siya iiwan. Saksakin ko pa siya, e!"

Noong June 2007 unang inamin ni Ogie ang relasyon nila ni Regine, sa pamamagitan ng isang 16-page feature sa YES! Magazine.

Pagkatapos nito ay mas naging bukas na ang dalawa tungkol sa kanilang relasyon, maging sa pagpapakita ng kanilang pagmamahal sa isa't isa.

Noong December 2010 ikinasal sina Ogie at Regine sa Terraza de Punta Fuego sa Nasugbu, Batangas.

Biniyayaan sila ng isang anak, si Nate, na ngayon ay 7 years old na.


ABOUT THE AUTHOR

Let's talk TV @jimpylosophies on Facebook, Twitter, and Instagram.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN