Christian Bautista ties knot with non-showbiz girlfriend Kat Ramnani

IMAGE Carlo Orosa / @patdy11 on Instagram

Christian Bautista ties the knot with non-showbiz girlfriend Kat Ramnani today, November 17, in Bali, Indonesia.


Ikinasal na si Christian Bautista, 37, sa kanyang non-showbiz girlfriend na si Kat Ramnani, 34, ngayong Sabado, November 17.

Ginanap ang kanilang kasal sa Ocean Chapel sa Tirtha Uluwatu Resort, sa Bali, Indonesia ngayong hapon.

 IMAGE Carlo Orosa

Kabilang sa mga dumalo sa kasal ay ang Star In A Million batchmate ni Christian na si Erik Santos at ang singer na si Cris Villonco.

Noong October 30, 2017 nag-propose si Christian kay Kat sa Venice, Italy.

Subalit inanunsiyo lang nila ang kanilang engagement noong November 3, 2017, o apat na araw pagkatapos ng proposal.

December 2015 unang ibinahagi ni Christian sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) na mayroon siyang bagong dine-date, subalit hindi muna siya nagkuwento tungkol sa identity nito.

Pagkatapos ng pitong buwan, noong July 1, 2016, dinala ni Christian si Kat sa first public appearance nila bilang magkarelasyon noong Preview Ball.

Ayon sa eksklusibong panayam ng PEP.ph kina Christian at Kat na ipinublish noong November 13, 2018, taong 2014 sila unang nagkakilala sa isang gathering na inayos ng TV host na si Cesca Litton.

November 2015 naman nagsimulang ligawan ni Christian si Kat, na sa kasalukuyan ay head of Strategy and Program Management sa ilalim ng content business team ng isang telecommunications company.


Stories We Are Tracking

Christian to marry fianceé at the end of the year
Christian to marry fianceé at the end of the year
Christian Bautista reveals how he proposed to Kat Ramnani
Christian Bautista reveals how he proposed to Kat Ramnani
How did Christian Bautista propose to Kat Ramnani?
How did Christian Bautista propose to Kat Ramnani?
Christian Bautista is engaged to girlfriend Kat Ramnani
Christian Bautista is engaged to girlfriend Kat Ramnani


ABOUT THE AUTHOR

Let's talk TV @jimpylosophies on Facebook, Twitter, and Instagram.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN