Vice Ganda defends Coco Martin, Ang Probinsyano against recent tirades from PNP, DILG

IMAGE Arniel Serato

Vice Ganda on Ang Probinsyano issue with PNP, DILG: "Naniniwala ako na iyon ay palabas, palabas lamang at may disclaimer naman lagi na hindi ito kumakatawan o hindi ito nagri-represent sa anumang talagang ahensiya ng gobyerno."


Ipinagtanggol ni Vice Ganda ang kaibigang si Coco Martin at ang programa nitong Ang Probinsyano na nahaharap ngayon sa kontrobersiya.

Sinita kasi ng pamunuan ng Philippine National Police (PNP) ang Ang Probinsyano dahil ipinapalabas daw nito sa publiko na masasama ang ginagawa ng kapulisan.

Ayon kay PNP Chief Director General Oscar Albayalde, nabigyan umano ng masamang imahe ang pamunuan ng pambansang pulisya dahil sa itinatakbo ng primetime series ni Coco.

Panimulang sabi ni Vice, "Hindi naman ako na magtataka rin na magkaroon sila ng ganun... na biglang magkaroon ng ganung isyu yung palabas ni Coco.

"Actually, hindi naman si Coco personally, yung Ang Probinsyano, yung programa nila kasi yung [Ang] Probinsyano is influential at kinakapitan talaga ng mga tao.

"May mga tao talaga na maapektuhan at kakabahan dahil ang lakas ng [Ang] Probinsyano."

Kasunod nito, iginiit ng It's Showtime host na hindi naman nagkulang ang programa dahil may mga paalala o disclaimer naman itong nagsasabi na ang takbo ng istorya ay pawang kathang-isip lamang ng mga manunulat ng serye.

Sabi niya, "Pero ako naniniwala ako na iyon ay palabas, palabas lamang at may disclaimer naman lagi na hindi ito kumakatawan o hindi ito nagri-represent sa anumang talagang ahensiya ng gobyerno.

"Ito ay palabas lamang at kathang-isip. Maaring malapit sa katotohanan pero hindi sila talaga, hindi talaga yun ang tinutukoy.

"Walang tao o ahensiya [ng gobyerno] na tinutukoy."

DILG SUPPORTS PNP'S GRIEVANCE

Pinag-iisipan na rin daw ngayon ng Department of Interior and Local Government (DILG) na magsampa ng reklamo sa korte kung hindi babaguhin ng production team ng serye ang takbo ng istorya ng show.

Nagkaroon na raw kasi ng meeting ang pamunuan ng PNP at Ang Probinsyano ngunit hindi pa rin nito binago ang takbo ng istorya.

Dahil dito, naglabas ng memorandum ang PNP kahapon, November 16, na nag-uutos sa lahat ng kanilang sangay na huwag nang bigyan ng suporta ang produksiyon sa pangangailangan nito ng mga police cars, security, gamit, at iba pa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang media si Vice sa grand opening ng pagmamay-ari niyang Vice Cosmetics flagship store sa may Market Market, Taguig City ngayong hapon ng Sabado, November 17.

VICE COSMETICS

Masaya si Vice na dinumog ng libu-libong tao ang pagpapasinaya niya sa kanyang sariling cosmetics brand.

 IMAGE Arniel Serato

Sabi niya, "Wala naman akong gagawin dito, gusto lang nila makita ang mukha ko, gusto lang nilang matawa pag makikita ako.

 IMAGE Arniel Serato

"Ewan ko ba, feeling ko kasi ang mga tao akala nila, cartoon character ako, kapag nakikita nila ang mukha ko natatawa sila, natutuwa sila.

"Yung presence ko, comedy."

 IMAGE Arniel Serato

Ayon pa sa kanya, ang hangad lang niya sa pag-create ng sariling lipstick brand ay makapagbigay ng pampagandang mura at dekalidad.

Kuwento pa niya, "Ang makinabang ng mga produktong ginagawa natin ay mga Pilipino."


ABOUT THE AUTHOR

Lead Correspondent, Top Story Man '12, Stringer of the Year '13, Top Contributor '14, Staff Reporter of the Year '15-'16 @arnielcserato (Twitter/Instagram)


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN