Lee Jong Suk happy about decision to come to Manila

IMAGE @jongsuk0206 Instagram

Korean star Lee Jong Suk to Pinoy fans: "Thank you for welcoming me with this hot and energetic passion. I think this will forever stay in my memories. So thank you and I love you guys."


Buong-pusong nagpasalamat ang Korean star na si Lee Jong Suk sa mainit na pagtanggap sa kanya ng libu-libo niyang Filipino fans ngayong Linggo, November 18.

Full house ang Smart Araneta Coliseum kung saan ginanap ang Crank Up Manila fan meeting ni Jong Suk.  

Ilan sa mga pinagbidahan ni Jong Suk na sikat na Koreanovela ay ang While You Were Sleeping kung saan katambal niya si Suzy Bae at Pinocchio kung saan katambal niya si Park Shin Hye. 

Nang makita ang tindi ng pagmamahal para sa kanya ng kanyang Pinoy fans, hindi raw lubos-maisip ni Jong Suk kung bakit ngayong lang siya bumisita sa Pilipinas.

View this post on Instagram

Thank you Manila ?? ????? ??..????

A post shared by ??? (@jongsuk0206) on

Halos dalawang oras din ang itinagal ng pakikipag-interact niya sa fans sa Big Dome.

Panay ang tili ng crowd lalo na sa bawat matamis na pagkakangiti at pati na rin sa cute gestures ng Korean actor.

Paglalarawan pa ni Jong Suk sa kanyang Pinoy fans, "hot" at "energetic passion" daw ang nasaksihan niyang suporta ng kanyang Pinoy fans.

Sa bandang huli ng Crank Up Manila fan meeting, muling sinabi ni Jong Suk na todo ang saya niya na nakarating siya sa Manila.

Aminadong nakaramdam daw kasi ng takot si Jong Suk matapos ang kinasangkutang gusot sa Jakarta, Indonesia halos dalawang linggo ang nakakaraan.

Sa tulong ng kanyang English translator, sabi ni Jong Suk sa kanyang Pinoy fans: “Manila is really the last stop of my Crank Up fan meeting.

“And it’s true that I’ve been in a lot of fan meetings around the world.

“I know you guys are worried because of the bad incident that have happened.

“I was actually also scared myself.

“But anyway I’m still very grateful to have been able to see you guys, and I think it was really a good decision to come here.

“I won’t forget your warm love and support for me.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“And I don’t know when we’ll be able to see each other again.

“But even then, I still love you and I’m so, so thankful.”  

View this post on Instagram

Lee Jong Suk at Crank Up Manila tour @jongsuk0206

A post shared by Rachelle Siazon (@pinkshi) on

Dalawang araw kasing na-detain sa Jakarta si Jong Suk at ang kanyang staff dahil may hinaharap palang problema ang kanyang local promoter sa tax authorities doon.

Kaya kinailangan nilang manatili sa kalapit na hotel sa airport habang naghihintay ng clearance na makabalik ng South Korea.

November 3 ginanap ang fan meeting ni Jong Suk sa Jakarta, at pinayagan lang silang makaalis roon noong November 5.


Stories We Are Tracking

Lee Jong Suk returns home after being detained in Indonesia
Lee Jong Suk returns home after being detained in Indonesia
Lee Jong Suk, staff detained in Indonesia after fanmeeting
Lee Jong Suk, staff detained in Indonesia after fanmeeting
What to expect from Lee Jong-suk's Crank Up Tour in Manila
What to expect from Lee Jong-suk's Crank Up Tour in Manila


ABOUT THE AUTHOR

Follow Rachelle Siazon on Twitter: @pinkshi


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN