Angelica Panganiban posts sweet photo with Carlo Aquino

IMAGE @iamangelicap Instagram

Totohanan na ba o hanggang #BoyprenBoyprenan lang ang sweetness sa pagitan nina Angelica Panganiban at Carlo Aquino? 


Tila hindi mapaghiwalay sina Angelica Panganiban at Carlo Aquino, na madalas pa ring magkita sa kabila ng pagiging abala sa kani-kanilang trabaho.

Noong Sabado, November 17, ibinahagi ni Angelica ang litrato nila ni Carlo kung saan makikitang nakaakbay ang aktor sa Kapamilya actress.

Parehong matamis ang pagkakangiti ng dalawa habang nakasandal sa bandang headboard ng isang kama.

Sa naunang Instagram Story ni Angelica, makikitang nakikinig sila ng music habang nakadantay ang kamay ni Angelica sa bandang siko ni Carlo.

Kalakip nito ang written text ni Angelica para kay Carlo: "proud of you [heart emoji]"

Linggo ng gabi, November 18, muling nag-post si Angelica sa Instagram Story ng litrato ni Carlo, na nakatitig sa kanyang cellphone.

May caption ito na "SUNDAY FUNDAY."

Hindi rin nakaligtas sa mapanuring netizens ang pagsuporta ni Angelica sa singing career ni Carlo.

Base ito sa "CONCERT KING SI DAD" na lettering na nakapuwesto malapit sa caption ng litrato.

Kakatapos lang kasi noong Sabado ng joint concert nina Carlo at Matteo Guidicelli sa Music Museum.

Bunsod nito, patuloy ang espekulasyon ng mga tagasuporta nina Carlo at Angelica hinggil sa estado ng relasyon ng dalawa.

Sabi ng netizens, hindi imposible dahil anim na taon ding naging magkarelasyon ang dalawa noong teenagers pa sila.

Bukod sa nanatili silang magkaibigan over the years, mas naging close pa sina Angelica at Carlo mula nang magkatrabaho sa pelikulang Exes Baggage.

Kung sakali, maraming botong manumbalik ang espesyal na pagtitinginan nila.

Tila pabor din ang common friends nila, na inaasar sina Angelica at Carlo na #BoyprenBoyprenan, nang magbakasyon ang mga ito sa Japan noong Halloween break.

Maging totohanan na kaya ang kilig sa pagitan ng dating magkasintahan?


ABOUT THE AUTHOR

Follow Rachelle Siazon on Twitter: @pinkshi


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN