Lindsay Custodio's politician-husband Julius Caesar Platon II dies

IMAGE Courtesy: @markleviste on Twitter / Julius Platon II on Facebook

Lindsay Custodio's husband, former Tanauan Vice Mayor Julius Caesar Platon II, died in a car accident this Monday, November 19. He was 43.


Pumanaw na ang asawa ng aktres na si Lindsay Custodio na si dating Tanuan, Batangas Vice Mayor Julius Caesar Platon II.

Base sa Facebook post ng Colorful Tanauan, inatake sa puso si Platon habang nagmamaneho sa may South Luzon Expressway (SLEX), bandang Sucat, Muntinlupa, ngayong Lunes, November 19.

Naisugod pa raw si Platon sa Asian Medical Center sa Alabang, ngunit tuluyan itong binawian ng buhay ngayong araw rin.

Si Platon ay 43 years old.

Nagsumite pa siya ng certificate of candidacy upang tumakbo muli bilang vice mayor ng Tanauan.

Siya ay anak ng pinaslang na dating mayor ng Tanauan na si Cesar Platon.

Narito ang buong post ng nasabing Facebook account:

"Isang malungkot na balita na naman po mga kababayan natin sa Lungsod ng Tanauan.

"Pumanaw na po si dating Vice Mayor Platon sa edad na 43.

"Siya ay naaksidente kagabi sa SLEX Sucat matapos atakihin sa puso habang nagmamaneho.

"Naisugod pa sa ICU [intensive care unit] ng Asian Hospital and Medical Center sa Alabang, Muntinlupa City ang dating pangalawang punungbayan ngunit binawian din ng buhay ngayong araw.

"Ayon sa isang malapit na kamag-anak ay ilalagak ang kanyang mga labi sa The Heritage Park sa Taguig City.

"Samantala, wala pang detalye kung kailan ang kanyang libing at kung dadalhin din sya sa ating lungsod.

"Si VM Julius Platon ay anak ng napaslang na tinaguriang 'Miracle Man of Tanauan' na si Mayor Cesar V. Platon at asawa naman ng singer-actress na si Lindsay Custodio.

"Nitong Oktubre lamang, nag-file pa si Platon ng Certificate of Candicacy upang muling maglingkod bilang bise alkalde.

"AMIN PONG IPINAAABOT ANG AMING TAOS PUSONG PAKIKIRAMAY SA PAMILYA PLATON AT SA SAMBAYANANG TANAUEÑO.

"MARAMING SALAMAT SA IYONG MABUTING PAGLILINGKOD.

"Rest in Peace, JULIUS CEASAR G. PLATON II (May 3, 1975 - November 19, 2018)"

18 YEARS OF MARRIAGE

Ikinasal sina Lindsay at Julius noong December 19, 2000.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Mayroon silang dalawang anak: sina Sean, 16, at Charisse, 12.

Si Lindsay ay 40 years old lamang.

 IMAGE Courtesy: Julius Platon II on Facebook

Si Julius ay naglingkod bilang vice mayor ng Tanauan mula 2007 hanggang 2013.

 IMAGE Courtesy: Sangguniang Panlungsod on Facebook

Huling namataan ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sina Lindsay at Julius sa 40th birthday surprise para kay Jolina Magdangal sa Cove Manila nito lamang November 7.

Magka-batch sina Jolina at Lindsay sa dating youth-oriented show ng ABS-CBN na Ang TV.

 IMAGE Noel Orsal

CONDOLENCE

Kaagad namang bumuhos ang mensahe ng pakikiramay mula sa mga kaibigan:


ABOUT THE AUTHOR

Lead Correspondent, Top Story Man '12, Stringer of the Year '13, Top Contributor '14, Staff Reporter of the Year '15-'16 @arnielcserato (Twitter/Instagram)


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN