Super Sireyna winner Mark Estephen confirms she's back to being a trans woman

IMAGE Photos from Facebook (Credit to the owners)

Mark Estephen, aka Sabel Gonzales, has decided to live again as a trans woman despite announcing last January 2018 that she has returned to being a man.


Kinumpirma ni Mark Estephen, aka Sabel Gonzales, na balik siya sa pamumuhay bilang isang transgender woman.

Inanunsiyo ito ni Mark sa pamamagitan ng kanyang Facebook account nitong Miyerkules ng madaling-araw, November 21.

Pero sa kabila nito, hindi pa rin daw niya tinatalikuran ang kanyang pananampalataya.

Mensahe niya, “Despite all the controversies, I realized that I really need the Lord.

"If I decided to live again as a trans, it doesn’t mean I will give up my faith, I still keep moving and continue my personal relationship with the Lord , coz I need Him in every area of my life not just in my Identity."

Nanawagan din si Mark sa kanyang kapwa “transgender sisters” na itigil ang “hatred, insecurities, and Pride.”

May mga bumatikos kasi sa kanyang desisyong mamuhay muli bilang isang trans woman.

“And TO ALL my TRANSGDENDER SISTERS, If you truly believe that Trans is Beautiful, Be beautiful INSIDE and OUT. Be KIND

“Stop the hatred, insecurities, and Pride.

“Only the LOVE of God can heal our brokenness..

“(Romans 5:8 ) But God demonstrates his own love for us in this: While we were still sinners, Christ died for us.”

Muling naging laman ng balita si Mark nang lumabas nitong weekend sa social media ang kanyang mga larawan na nakaayos at nakadamit-pambabae.

Ito ay pagkatapos niyang ianunsiyo sa Facebook noong January 23, 2018, na niyayakap na niya ang kanyang tunay na katauhan, bilang isang lalaki.

Sinabi rin nitong natagpuan na niya ang Panginoon.

Sampung taon namuhay bilang isang trans woman si Mark, na nakilala noon sa pangalang Sabel Gonzales.

Hinirang siyang Super Sireyna Queen of Flowers 2014, ang beauty contest ng GMA-7 noontime show na Eat Bulaga! para sa gays and trans women.

Nakapasok din siya sa Top 10 ng Miss International Queen 2017, ang pinakamalaking beauty pageant para sa transgender women.


Stories We Are Tracking

Mark Estephen back to being a trans woman?
Mark Estephen back to being a trans woman?
Former Super Sireyna winner now lives as a man
Former Super Sireyna winner now lives as a man
Ex-transgender Mark Estephen struggles to fight
Ex-transgender Mark Estephen struggles to fight "immorality"


ABOUT THE AUTHOR

Writer at heart. Follow me on Twitter @tweetieberns


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN