Tirso Cruz III's son Teejay dies at 37

IMAGE Lyn Ynchausti Instagram

Teejay Cruz (right) with parents Tirso Cruz III and Lyn Ynchausti during one of their trips abroad.


Pumanaw na ang panganay na anak nina Tirso Cruz III at Lynn Ynchausti na si Teejay ngayong araw, November 21. 

Si Teejay—o Tristan Jedidiah Cruz—ay 37 taong gulang. 

Si Sunshine Cruz, na pinsan ni Teejay, ang isa sa mga unang naghayag ng pagdadalamhati sa pagkamatay ng kaanak nito.

Sa hiwalay na Instagram post ng talent manager/reporter na si Lolit Solis, nabanggit na may sakit umanong lymphatic cancer si Teejay. 

Sinasabing binawian ng buhay si Teejay bandang madaling-araw kanina. 

View this post on Instagram

Na-sad naman ako sa news sa anak nila Tirso Cruz III at Lyn na si TJ, Salve. Sabi ni Dolor, lymphatic cancer daw at kanina lang daw madaling araw bumigay ang panganay nila. Nakaka-sad talaga na iyon anak mo mauna sa iyo na kunin ni God. Ang bait-bait pa naman ng mga anak nila Tirso, sina Bodjie at Janine. Si TJ hindi pumasok ng showbiz. At in fairness ha, pag naghahanap kami ng tulong sa ospital siya ang nilalapitan namin. Tulad nila Tirso at Lyn ang mga anak nila, very friendly at magalang. Sana ma-overcome nila ang sadness na ito. We pray that God will welcome TJ, sana forever his memories, his happy ones will always be remembered. We pray for you TJ. We pray for Tirso and Lyn, for the Cruz family, we honor your sadness, we will always be praying for you. #lolitkulit #instatalk #71naako ??????????

A post shared by LolitSolisOfficial (@akosilolitsolis) on

Si Teejay ay dating mainstay ng Ang TV, ang sikat na '90s youth-oriented show ng ABS-CBN. 

Napanood din siya sa pelikulang Rollerboys (1995) at Eskapo (1995). 

Pero nang magbinata si Teejay ay tumigil ito sa pag-aartista. 

Si Teejay ang co-founder ng Spike For Hope, ang fundraising volleyball tournament para sa Make A Wish Philippines non-profit organization. 

Layunin nitong makatulong sa mga batang may malubhang karamdaman. 

Kapatid ni Teejay sina Bodie at Djanin Cruz na parehong sumubok ding sumabak sa showbiz.

LAST BIRTHDAY

Noong October 22 lamang ay ipinagdiwang ni Teejay ang kanyang 37th birthday.

Nag-post pa sina Lyn, Bodie, at Djanin ng birthday greeting para kay Teejay.

Sabi ni Lyn sa kanyang mensahe para sa panganay na anak, "I am blessed to have given birth to this son of mine 37 years ago, October 22, 1981 at 8:41AM.

"I praise and thank God for you! I am a proud mother because you have a very good heart, a hardworking person, and so full of talent! I pray for good health and more blessings to come your way.

"May the good Lord continue to use you mightily and for His glory. Happy Happy Birthday Teej, and many, many more birthdays to come! I love you so much! And most of all, Jesus loves you! @spikeforhope
10-22-2018"

Sabi naman ni Bodie: "Happiest birthday to my older brother, TJ. We may not have a perfect relationship but know that I love you.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Declaring Psalm 27:13 for you — 'I remain confident of this: I will see the goodness of the Lord in the land of the living.'

"Thanking God for the long and full life He will give you. :)"

View this post on Instagram

Happy birthday kuya @spikeforhope! ?????????? love you! (Hello @bodiecruz and @ina_feleo! Hahaha!)

A post shared by Djanin Cruz (@djanincruz) on

Sa kasalukuyan ay hinihintay pa ang opisyal na pahayag mula sa pamilya Cruz.


ABOUT THE AUTHOR

Follow Rachelle Siazon on Twitter: @pinkshi


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN