Claudine Barretto visits wake of Lindsay Custodio's husband

IMAGE Courtesy: @claubarretto on Instagram

Claudine Barretto posts a photo with former Ang TV co-star Lindsay Custodio taken at the wake of latter's husband, former Tanauan Vice Mayor Julius Caesar Platon II.


Nakiramay ang aktres na si Claudine Barretto sa dating kasamahan sa ABS-CBN na si Lindsay Custodio, na namatayan ng asawa.

Pumanaw ang mister ni Lindsay na si former Tanauan, Batangas Vice Mayor Julius Caesar Platon II noong Lunes, November 19.

Sina Claudine at Lindsay ay nagkasama sa Ang TV, ang dating youth-oriented comedy show ng Kapamilya Network.

Ngayong madaling-araw ng Miyerkules, November 22, nag-post si Claudine sa Instagram ng larawan nila ni Lindsay.

Bagamat nakangiti sila, mababanaag pa rin sa mukha ni Lindsay ang kalungkutan.

Kuha ang larawan sa burol ni Julius sa Heritage Park, Taguig City.

 IMAGE Courtesy: @claubarretto on Instagram

Bahagi ng caption ni Claudine: “My heart is Broken & goes out to your family @lindsaycustodioplaton I luv u Linds & Julius & the kids. May God be with ur family always.” 

Sa isa pang larawan ay makikitang kasama ni Claudine ang dati ring kasamahan sa Ang TV na si Nikka Valencia.

 IMAGE Courtesy: @claubarretto on Instagram

Nagpaabot naman ng mensahe ng pakikiramay kay Lindsay ang mga artistang sina Sunshine Cruz, Donna Cruz, Andrea del Rosario, at Beverly Vergel.

Namatay si Julius Caesar Platon II noong Lunes, November 19, sa edad na 43.

Pinaniniwalaang inatake sa puso si Julius kaya nadisgrasya ang sasakyang minamaneho nito.


Stories We Are Tracking

Lindsay Custodio's politician-husband Julius Platon dies
Lindsay Custodio's politician-husband Julius Platon dies


ABOUT THE AUTHOR

Lead Correspondent, Top Story Man '12, Stringer of the Year '13, Top Contributor '14, Staff Reporter of the Year '15-'16 @arnielcserato (Twitter/Instagram)


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN