Kristoffer Martin celebrates 24th birthday in Japan

IMAGE Kristoffer Martin Instagram

Kristoffer Martin's birthday message to himself: "23, you've been tough on me. But you made me stronger and wiser. Happy birthday self, proud ako sayo. #24"


Sa Japan ipinagdiwang ng Kapuso actor na si Kristoffer Martin ang kanyang 24th birthday.

Ito ang regalo ni Kristoffer para sa sarili.

Ang aktuwal na kaarawan ng aktor ay kahapon, November 20.

Ibinahagi ng aktor ang ilang larawan mula sa kanyang bakasyon sa Japan sa Instagram.

Mensahe pa ni Kristoffer sa sarili: "23, you’ve been tough on me. But you made me stronger and wiser. Happy birthday self, proud ako sayo. #24"

View this post on Instagram

Her dream place, my dream girl.

A post shared by Tun (@kristoffermartin_) on

Kasama ni Kristoffer na nagpunta sa Japan ang kanyang non-showbiz girlfriend na si Alyssa Celine "AC" Banzon.

Isa sa pinasyalan nina Kristoffer at AC ay ang Tokyo Disneyland.

View this post on Instagram

Her dream place, my dream girl.

A post shared by Tun (@kristoffermartin_) on

Nataon namang tapos na ang kinabibilangan niyang prime-time serie sa GMA-7, ang Victor Magtanggol.

Kaugnay ng nasabing teleserye, nag-post ng mahabang mensahe sa IG si Kristoffer para sa kaibigan at co-star na si Alden Richards.

Tinawag niyang “superhero” dahil sa totoong buhay ang Pambansang Bae dahil ipinaglaban daw nito na ma-extend pa ng ilang weeks ang Victor Magtanggol para masaya ang Pasko ng buong production crew ng kanilang teleserye.

Heto ang post ni Kristoffer para kay Alden:

"To the hammerman himself, maraming maraming salamat sa pagiging hindi lang superhero sa soap, kundi saming mga katrabaho mo rin.

"You’ve fought for us. Alam at ramdam namin. Ikaw yung kapitan nito at dinala mo kami sa lugar na panalo tayo.

"Mas pinahanga mo ko bilang kapatid mo dito sa proyektong to. Na wala akong narinig na kahit anong reklamo galing sayo, na kahit sagad sagaran na, lalabas ka ng tent na nakangiti.

"Isang malaking bagay na lahat kami dinadala mo sa vision mo sa project na to. At masaya akong nakitang narating nating lahat yon.

"Mahal kita kapatid! You’ve fought very hard for this.

"Saludo ako sayo! Hanggang sa susunod na proyekto!"

Ang Victor Magtanggol ay pinalitan ng Cain At Abel nina Dingdong Dantes at Dennis Trillo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN