Sam Milby presses motorcycle riders to wear helmet; cites fatal accident of half-brother

IMAGE Noel Orsal

Sam Milby recalls death of half-brother in a motorcycle accident to remind riders to wear helmet when travelling: "I see so many riders here sa Pinas na hindi gumagamit ng helmet. Please if you're a rider, ALWAYS wear a helmet." Statistics show that in 2016 alone, 66 motorcycle accidents in Metro Manila were reported daily, almost half of which resulted in deaths.
 


Hinikayat ni Sam Milby ang motorcycle riders na magsuot ng helmet kapag sila ay nagmamaneho.

Alinsunod ito sa ibinahaging post ng Kapamilya actor sa Instagram kahapon, November 21, tungkol sa kanyang half-brother na pumanaw dahil sa aksidente sa motorsiklo.

Ayon kay Sam, isang taon pa lamang siya noong namatay ang kanyang kuya.

Sabi niya sa kanyang post, “Ito ang jacket na suot ng half-brother ko nung naaksidente siya at hindi siya nakasuot ng helmet... I was 1 year old.

 IMAGE Courtesy: @samuelmilby on Instagram

“Marami pa sana kaming memories na mapagsasaluhan.”

 IMAGE Courtesy: @samuelmilby on Instagram

Kasunod nito, sinabi ng Halik actor na marami siyang napapansing nagda-drive ng motor na hindi nagsusuot ng helmet sa Pilipinas.

Dagdag pa niya, “I see so many riders here sa Pinas na hindi gumagamit ng helmet. Please if you're a rider, ALWAYS wear a helmet.”

STATISTICS

Ayon sa statistics nitong 2015, may halos 69 percent ng mga insidente sa kalsada ay sanhi ng motorcycle accidents.

Umabot naman sa 4.7 million ang nakatalang rehistradong motorsiklo sa Land Transportation Office sa buong bansa.

Nitong 2016 lamang, may 66 aksidente ng motorsiklo ang naitala sa Metro Manila sa araw-araw, ayon sa Motorcycle Development Program Participants Association at halos kalahati rito ay hindi nakaligtas ang motorista sa aksidente.

May batas na nagpapatay ng parusa sa hindi paggamit ng helmet kapag bumabiyahe sa motorsiklo.

Ayon sa Republic Act 10054, mas kilala sa tawag na Motorcycle Helmet Act of 2009, papatawan ng halagang P1500 ang isang rider na hindi nagsusuot ng helmet sa unang paglabag.

Halagang P3000 naman sa second offense, P5000 sa third offense, at P10,000 naman sa fourth at mga kasunod pang paglabag.

Kukumpiskahin din ang plaka ng kanilang mga motor.

Samantala, sinang-ayunan naman nina Billy Crawford ay Gary Valenciano ang paalalang paggamit ng helmet ng kapwa Kapamilya star.


ABOUT THE AUTHOR

Lead Correspondent, Top Story Man '12, Stringer of the Year '13, Top Contributor '14, Staff Reporter of the Year '15-'16 @arnielcserato (Twitter/Instagram)


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN