Kris Aquino sues Atty. Jesus Falcis for cyberlibel

IMAGE Rachelle Siazon / Arniel Serato

An excerpt from Kris Aquino's (left) cyber libel complaint versus Atty. Jesus "Jess" Falcis (right), brother of Nicko Falcis: "...when respondent described me as a 'liar,' 'spoiled oligarch brat,' 'sinungaling,' 'pa victim,' 'madaming faults,' ...he imputed to me conditions that tend to put me in a bad light and cause dishonor and contempt upon me."


#KrisAquinoVsNickoFalcis

Pormal na sinampahan ni Kris Aquino ng nine counts of cyberlibel si Atty. Jesus "Jess" Falcis sa Department of Justice (DOJ) ngayong Huwebes, November 22. 

Si Jess ang nakababatang kapatid at spokesperson ni Nicko Falcis, ang dating Kris C. Aquino Productions (KCAP) managing director na kabanggaan ngayon ni Kris. 

Si Nicko ay naunang inireklamo ni Kris ng 44 counts of qualified theft, dahil diumano sa ginasta nitong personal expenses gamit ang KCAP credit card. 

Sumunod na inireklamo ni Kris si Jess dahil sa diumano'y mapanirang social media posts ng abugado laban sa actress/host/web star. 

Kaugnay ito ng palitan ng maiinit na salita sa pagitan nina Kris at Jess sa kasagsagan ng akusasyong pagnanakaw na ibinato ni Kris laban kay Nicko.

Sa kanyang latest Instagram post, ipinakita ni Kris ang litrato ng kanyang personal na pagpunta sa DOJ upang ihain ang reklamong cyberlibel laban kay Jess.

Kalakip nito ang kopya ng official statement mula sa lawyer ni Kris, si Ricky dela Cruz:

"We filed criminal cases for 9 counts of cyberlibel today at the DOJ against Atty. Jesus Nicardo Falcis III.

"He made malicious and defamatory statements against our client, Ms. Kris Aquino. We will now now make him accountable.

"Ms. Kris Aquino opted to respond to the malicious accusations hurled against her through the legal process.

"Because she believes that this is the right thing to do. She has full faith in the Philippine justice system.

"She knows that we are all equal in the eyes of the law.

"Ms. Kris respects our prosecutors and she now leaves it to them to start the legal process. We believe that Ms. Kris Aquino will get JUSTICE because TRUTH IS ON HER SIDE."

View this post on Instagram

Statement from Atty. Ricky dela Cruz of DIVINA LAW: We filed criminal cases for 9 counts of cyberlibel today at the DOJ against Atty. Jesus Nicardo Falcis III. He made malicious and defamatory statements against our client, Ms. Kris Aquino. We will now now make him accountable. Ms. Kris Aquino opted to respond to the malicious accusations hurled against her through the legal process. Because she believes that this is the right thing to do. She has full faith in the Philippine justice system. She knows that we are all equal in the eyes of the law. Ms. Kris respects our prosecutors and she now leaves it to them to start the legal process. We believe that Ms. Kris Aquino will get JUSTICE because TRUTH IS ON HER SIDE.

A post shared by KRIS AQUINO (@krisaquino) on

Hindi binanggit ni Kris sa kanyang Instagram post kung ano mismong mga binitawang salita ni Jess ang inaalmahan niya. 

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ngunit tila may kaugnayan ito sa Instagram posts ni Jess—partikular na noong November 16 at 18—kung saan ilan sa paglalarawan nito kay Kris ay "Kris the liar," "pa victim," at may "balat mong urticaria prone." 

KRIS VS. ATTY. FALCIS WORD WAR

Noong November 16 unang lumabas sa mga ulat na si Nicko Falcis ang business partner at dating KCAP managing director na sinampahan ng reklamong qualified theft ni Kris. 

Kasabay nito ang unang pagharap ni Jess sa piling entertainment media, kabilang ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), upang pabulaanan ang alegasyon ni Kris laban sa kanyang kuya.

Dito ay inalmahan ni Jess ang umano'y panggigipit sa kanilang pamilya na manahimik hinggil sa isyu, gayong marami nang pinakawalang akusasyon si Kris sa social media laban kay Nicko.

Ang tinutukoy ni Jess ay ang posts ni Kris mula September 22 tungkol sa taong namamahala ng KCAP at tagasara ng kanyang endorsement deals na nagnakaw diumano sa actress/host/web star. 

Kung pinapatutsadahan man daw niya si Kris, iyon ay sa mga araw na mayroon din umanong post si Kris sa Instagram, Twitter, at YouTube. 

Ibinulgar din ni Jess ang diumano'y tahasang pagbabanta ni Kris sa buhay ni Nicko: "YOU FUCKING ASSHOLE NICKO!.... DARE TO STEP IN THIS COUNTRY AND YOU WILL BE DEAD."

Si Jess, kasama si Atty. Bruce Rivera, ay host ng programang BOLJAK! sa Radyo Singko.


Stories We Are Tracking

Kris Aquino to Nicko Falcis:
Kris Aquino to Nicko Falcis: "YOU WILL BE DEAD"

Sa kabilang banda, noon ding November 16 ay nagtungo si Kris sa Mandaluyong Prosecutor's Office upang panumpaan ang kanyang qualified theft complaint laban kay Nicko. 

Sa hiwalay na panayam niya sa media, kinuwestiyon ni Kris kung bakit si Jess ang sumasagot sa isyung kinasasangkutan ni Nicko at ng web star. 

Binasa rin ni Kris ang isa sa tweets ni Jess, bilang patunay ng pag-atake umano nito sa kanya.  

Nanindigan si Kris na hindi siya aatras sa laban hangga't hindi sila magkaroon ng maayos na settlement ni Nicko. 

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


Stories We Are Tracking

Kris Aquino names Nicko Falcis in theft complaint
Kris Aquino names Nicko Falcis in theft complaint
Kris Aquino to Nicko Falcis:
Kris Aquino to Nicko Falcis: "YOU WILL BE DEAD"
Nicko Falcis to Kris Aquino:
Nicko Falcis to Kris Aquino: "There's nothing stolen."
Kris Aquino on threatening Nicko Falcis:
Kris Aquino on threatening Nicko Falcis: "Sino nagsabi?"

Hindi roon nagtapos ang palitan ng salita sa pagitan nina Kris at Jess.

May mga tirada rin sila sa isa't isa sa social media, na naging mitsa ng reklamong cyberlibel na isinampa ni Kris sa kapatid ni Nicko. 

Mananatiling bukas ang PEP.ph sa anumang pahayag ng mga personalidad na nabanggit sa artikulong ito.


Stories We Are Tracking

Kris Aquino, Nicko Falcis take word war to social media
Kris Aquino, Nicko Falcis take word war to social media
Nicko Falcis asks for dismissal of Kris Aquino complaint
Nicko Falcis asks for dismissal of Kris Aquino complaint
Kris challenges Nicko to file grave threat rap against her
Kris challenges Nicko to file grave threat rap against her
Nicko Falcis camp rips rumors he has showbiz lover
Nicko Falcis camp rips rumors he has showbiz lover


ABOUT THE AUTHOR

Follow Rachelle Siazon on Twitter: @pinkshi


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN