Kris Aquino details lawyer Jesus Falcis defamatory statements in cyber libel complaint

IMAGE Cyrus Panganiban / Arniel Serato

An excerpt from Kris Aquino's cyber libel complaint affidavit versus lawyer Jesus Falcis: "Thus, while I am a well-known celebrity, respondent does not have the unbridled license to malign my honor and dignity by indiscriminately posting malicious statements against me online."


#KrisAquinoVsNickoFalcis

Sinampahan ni Kris Aquino ng nine counts of cyber libel ang lawyer na si Jesus "Jess" Falcis dahil sa diumano’y paninirang-puri at panghihiya nito sa kanya sa social media.

Si Atty. Jesus ang nakababatang kapatid at tumatayong spokesperson ni Nicko Falcis.

Si Nicko ang kasosyo at dating managing director ng Kris C. Aquino Productions (KCAP), na kinasuhan ni Kris ng 44 counts of qualified theft sa pitong lungsod sa Metro Manila.

Sa kanyang complaint affidavit na isinumite sa Department of Justice (DOJ) noong Huwebes, November 22, idinetalye ni Kris ang diumano’y mapanirang Instagram at Twitter posts ni Atty. Jess na may petsang November 14, 15, 16, 17, at 18.

Sabi ni Kris, “Respondent is member of the legal profession and, as such, has the duty to comport himself in a manner as to uphold integrity and promote the public's faith in said profession.

“Instead of doing so, however he chose to engage in unlawful and scandalous conduct, best exemplified by the highly offensive and defamatory statements that he made against me online through several social media platforms.”


Stories We Are Tracking

Kris Aquino, Nicko Falcis take word war to social media
Kris Aquino, Nicko Falcis take word war to social media

Inireklamo ni Kris ang makailang-beses na pagtawag sa kanyang “sinungaling, Kris the liar, pa-victim lagi, ulol, at madaming faults” ni Atty. Jess.

Hindi man daw siya direktang pinangalan ni Kris sa ibang posts ni Atty. Jess, binansagan naman daw siya nitong “Rich Girl Gone Crazy ala Gone Girl, Crazy Rich Asian, a spoiled oligarch brat” at iba pang patutsada na tumutukoy sa actress/host/web star.

Ayon kay Kris, hindi kaila sa publiko na bahagi siya ng Hollywood film na Crazy Rich Asians, kaya madaling naugnay sa kanya ng netizens ang posts ng kapatid ni Nicko.

“His mention of details such as ‘artista’ and ‘dilawan,’ as well as his reference to the issue that I have with his brother Nicko—an issue that is widely publicized and is now a hot topic all over the country—further confirm my identity.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Hindi rin pinalampas ni Kris ang umano’y panlalait ni Atty. Jess nang tawagin siya nitong may “urticaria-prone skin” at iba pang pasaring umano sa medical condition ng actress/host/web star.

Sabi ni Kris, “In the same vein when respondent described me as a ‘liar’ ‘spoiled oligarch brat,’ ‘sinungaling,’ ‘pa victim,’ "madaming faults,’ one who fooled his family, paid a blogger, politicizes everything and always longs for a man's company and to be the constant center of attention, he imputed to me conditions that tend to put me in a bad light and cause dishonor and contempt upon me.

“It even referred to my medical condition—having urticaria-prone skin—in such a way as to ridicule and humiliate me.

“Clearly, the statements of respondent against me are defamatory.”

Narito ang kopya ng November 16 post ni Atty. Jesus na kasama sa complaint affidavit ni Kris:

Kasama sa reklamong cyber libel ni Kris laban kay Atty. Jess ang November 18 post ng huli, na nagsasabing hindi makauwi ng Pilipinas si Nicko dahil sa diumano'y pagbabanta at panggigipit ng web star.

At naging mitsa ng umano'y "vindictiveness" ni Kris ang pagpapaalam ni Nicko na hindi na ito makakapagtrabaho nang full time sa KCAP dahil sa iba nitong trabaho.

Narito ang kopya ng November 18 post ni Atty. Jesus na kasama sa complaint affidavit ni Kris:

View this post on Instagram

Missing my brother so much on my birthday salubong. Thank God we have the internet and modern technology to bridge the gap. Kahit napilitan sya mag abroad dahil sa pagbabanta ni Ms. Aquino, at least nakasama ko pa din sya at nakapag birthday celebration kami ng live. Ms. Aquino, you stole my brother! All because of your vindictiveness against him for leaving you. Sa totoo lang, naaawa ako sayo. You grew up without a father figure and forced into the limelight. Kaya ayan, gusto mo lagi may lalaki sa buhay mo, center of attention ka, at hindi mo kayang iniiwan ka. Tapos lagi mo po ginagawang pa victim ang narrative mo, from Joey Marquez (kahit mali alam ng public) to my brother. Tapos may patawa ka pa na post na my brother’s credit card charges violated your endorsement deals? Haha ang hindi pagkain ng ibang chicken aside sa Chowking eh personal obligation mo. BTW Ms. Aquino, kamusta yung mga kinain mong Bon Chon, Jollibee, at Pancake House? Mahirap maging anak ni Ninoy at Cory. Pero ok naman lumabas yung iba mong mga kapatid. Bat ikaw naging ganyan?

A post shared by Jesus Falcis (@jesusfalcis) on

Base pa rin sa kanyang complaint affidavit sa DOJ, sinabi ni Kris na maituturing na paninira at malisyoso ang mga pinakalat na salita ni Atty. Jess laban sa kanya.

“Thus, while I am a well-known celebrity, respondent does not have the unbridled license to malign my honor and dignity by indiscriminately posting malicious statements against me online.”


Stories We Are Tracking

Kris Aquino sues Atty. Jesus Falcis for cyberlibel
Kris Aquino sues Atty. Jesus Falcis for cyberlibel
Kris challenges Nicko to file grave threat rap against her
Kris challenges Nicko to file grave threat rap against her
Kris Aquino on threatening Nicko Falcis:
Kris Aquino on threatening Nicko Falcis: "Sino nagsabi?"
Kris Aquino names Nicko Falcis in theft complaint
Kris Aquino names Nicko Falcis in theft complaint

FALCIS CAMP'S CONTENTION

Sa kabilang banda, naunang inalmahan ni Atty. Jess ang umano'y "double defamation" ni Kris.

"One, this baseless case against my brother.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"And second, to say na kami yung hindi sincere sa negotiations.

"That's ridiculous.

"Our chats can back that up. Ilalagay din namin 'yan sa counter affidavit."

Base ito sa panayam kay Atty. Jess ng piling entertainment media, kabilang ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), noong November 15.

Nanindigan si Atty. Jess na walang katotohanan ang alegasyong pinagnakawan ni Nicko si Kris gamit ang corporate credit card ng KCAP.

Ipinaliwanag din ni Atty. Jess na nagpu-post lang siya sa social media sa tuwing may pasaring si Kris hinggil sa dinanas na "financial abuse" mula sa taong pinagkakatiwalaan ng web star.

Hindi raw patas ang laban dahil gigipitin daw umano sila ng kampo ni Kris na huwag magsalita laban sa reklamong qualified theft kay Nicko.

Pero panay naman daw ang pakawala ni Kris ng mga hinaing hinggil sa kinasasangkutang money issue mula noong isinapubliko ang tungkol dito noong September 22. 

"It's all a media stunt," dagdag na pahayag ni Atty. Jess patungkol dito.

Mananatiling bukas ang PEP.ph sa anumang pahayag ng mga personalidad na nabanggit sa artikulong ito.


Stories We Are Tracking

Nicko Falcis camp rips rumors he has showbiz lover
Nicko Falcis camp rips rumors he has showbiz lover
Nicko Falcis asks for dismissal of Kris Aquino complaint
Nicko Falcis asks for dismissal of Kris Aquino complaint
Nicko Falcis to Kris Aquino:
Nicko Falcis to Kris Aquino: "There's nothing stolen."
Kris Aquino to Nicko Falcis:
Kris Aquino to Nicko Falcis: "YOU WILL BE DEAD"


ABOUT THE AUTHOR

Follow Rachelle Siazon on Twitter: @pinkshi


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN