JM de Guzman slams basher amid issue involving Barbie Imperial, Rhian Ramos

IMAGE Noel Orsal / PEP File (Barbie Imperial)

Tanong ng netizens: mayroon nga bang hindi pagkakaunawaan sa pagitan nina JM de Guzman (left) at Barbie Imperial (center) nang dahil kay Rhian Ramos (right)?


Hindi pinalampas ni JM de Guzman ang diumano'y paninira at pangingialam ng isang netizen sa gitna ng bali-balitang may hidwaan sila ni Barbie Imperial dahil kay Rhian Ramos. 

Base ito sa palitan ng salita sa pagitan ni JM at ng isang netizen na may Instagram handle na @zjhay_justine ngayong Lunes, November 26. 

Nag-umpisa sa comment ng netizen na tigilan na ni JM ang umano'y pagmamalinis at paghingi ng simpatiya ng aktor matapos saktan si Barbie dahil sa panloloko ng aktor.  

Sina JM at Barbie, o JuanBie, ay nakilala bilang love team sa Kapamilya afternoon series na Araw Gabi, na umere mula April hanggang October 2018. 

Bahagi ng alegasyon ng netizen: "kalat nyo gusto nyo iba maglilinis. 

"Yong is a hugas kamay na sa Twitter ikaw naman nangangalap ng simpatya ng tao.

"Damage has been done JM. 

"Alam ng karamihan ang totoong nangyayare from a very reliable source na kilala mo rin. 

"Maawa naman kayo don sa taong labis na nasaktan." 

ALLUSIONS TO JM'S ALLEGED MISDEED

Noong una ay hindi pa malinaw kung anong pinanggagalingan ng paratang ng netizen. 

Sagot lang ni JM, "focus ka sa pamilya mo. sa future mo. trip mo issues ng iba? magtrabaho ka.. follow your dreams." 

Pero patuloy ang patutsada ng netizen at pilit na pinaaamin si JM sa diumano'y pagkakamaling nagawa nito. 

Nagkapalitan pa ng iringan ang dalawa. 

Sabi lang ulit ni JM sa tirada ng netizen, "okay karen." 

Iba ang naging interpretasyon ng netizen sa komento ni JM na "okay," na para bang pag-amin ito ng aktor sa ibinibintang sa kanya. 

Ang sumunod na pahayag kasi ng netizen ay ang mga sumusunod:

"boom! hulika balbon! Umamin din.

"Excuse me hindi ako si Karen. Hahahahahaha kesyo tama ang details ko Karen agad?

"Di lang si Karen ang may alam ng lahat JM, madami kami."

Balik-sagot naman ni JM, "inamin na? tanga ka? di pa.. wait lang busy ako." 

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Buwelta pa ni JM, pawang pamba-bash lang ang ginagawa ng netizen. 

"o e di kayo kayo nga sumisira sa fandom na to. 

"hunghang ka pala e. inamin nyo din. shunga."

 

THE BARBIE-JM-RHIAN CONNECTION? 

Sa puntong ito, sinabi ng netizen na ang tinutukoy niyang isyu ay ang diumano'y ugnayan nina JM at Rhian Ramos, leading lady ng Kapamilya actor sa pelikulang Kung Paano Siya Nawala

Inakusahan ng netizen si JM na "front" at "showbiz" lang ang diumanong ipinakitang panunuyo ng aktor kay Barbie sa totoong buhay. 

Dagdag pa ng netizen, hindi raw umubra kay Barbie kung anuman ang umano'y palusot ni JM matapos ang insidenteng naging mitsa ng hidwaan sa pagitan ng dalawang Araw Gabi co-stars. 

Nagpalitan pa ulit ng patutsada si JM at ang netizen. 

Hanggang sa sinabi ng netizen na titigilan na niya si JM at sana ay karmahin na lang ang aktor. 

Sabi lang ni JM, "o? suko ka na? tuloy mo pambubully mo huy..." 

RHIAN'S "NOT TRUE" TWEET

Tila hindi rin nakaligtas si Rhian sa pambabatikos ng ilang tagasuporta ng tambalang JuanBie.

Lalo pa at may ilang JuanBie fans ang itinuturo si Rhian na dahilan ng diumano'y hindi pagkakaunawaan nina JM at Barbie. 

Kapansin-pansin ding naka-off ang comments section sa Instagram posts nina JM at Rhian kung saan ibinahagi nila ang publicity photos para sa pelikulang Kung Paano Siya Nawala. 

Kahapon, November 25, nag-post si Rhian ng malamang tweet, at pinaniniwalaan ng netizens na konektado ito sa JuanBie issue. 

Dito ay mariing pinabulaanan ni Rhian kung anumang alegasyon ang ipinupukol sa kanya sa social media. 

Sabi ni Rhian: "Wtf. NOT TRUE. seriously children, Im too old for this nonsense. Gimme a break already." 

MORE ON BARBIE-JM ALLEGED RIFT 

Sa ngayon, walang direktang pahayag mula kay Barbie hinggil sa diumano'y hidwaan nila ni JM at kung anuman ang pinagmulan nito. 

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pero ang ina ni Barbie, si Bing Imperial, ay nagpahiwatig na may pinagdadaanan ngang problema ang anak.

Base ito sa screenshot ng text message ng mag-ina, na ibinahagi ni Bing sa kanyang Instagram account noong November 22. 

Sa comments section, may ilang netizens ang nagkomento na may kinalaman umano ang post ng ina ni Barbie tungkol sa kung anumang hindi pagkakasunduan ng Kapamilya actress at ni JM. 

Kapansin-pansin din ang comments ng netizens na diumano'y pati ang ina ni JM ay dawit sa sinasabing problema ng aktor at ni Barbie. 

Hindi kaila sa publikong sumusubaybay kina JM at Barbie na makailang-beses nang nagkatampuhan ang dalawa kahit noong umeere pa ang kanilang panghapong teleserye sa ABS-CBN.

Gayunman, nitong November 12 ay nag-post pa si Barbie ng patunay ng pagkakamabutihan sa pagitan nila ni JM.

Pinadalhan kasi noon ni JM si Barbie ng malaking teddy bear at love letter na nagpapahiwatig ng pagmamahal ng aktor sa dalaga.

Pati ang mga magulang nila ay nauna nang naghayag na kung saka-sakali ay boto sila na maging magkasintahan ang dalawa.


Stories We Are Tracking

JM de Guzman to Barbie:
JM de Guzman to Barbie: "I love you with all my heart."
JM de Guzman defends Barbie Imperial from basher
JM de Guzman defends Barbie Imperial from basher
JM de Guzman admits real score with Barbie Imperial
JM de Guzman admits real score with Barbie Imperial


ABOUT THE AUTHOR

Follow Rachelle Siazon on Twitter: @pinkshi


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN