It's Showtime escort Ion Perez denies using Vice Ganda for fame

IMAGE Photo from YouTube (It's Showtime)

Ion Perez, also known as Kuya Escort in It's Showtime's "Miss Q and A" segment, denies he is using Vice Ganda to be famous. "Nagkakamali sila kasi sobrang bait na tao ni Vice."


Itinanggi ni Ion Perez—o “Kuya Escort” sa It's Showtime—na ginagamit niya si Vice Ganda para sumikat.

Unang nakilala si Ion nang manalo siya sa international pageant na Mr. Universe Tourism 2018 noong Mayo.

Pero lalo siyang nakilala nang maging escort sa “Miss Q and A,” ang gay pageant sa ABS-CBN noontime show.

Sa naturang segment, madalas magkaroon ng skit sa pagitan nina Vice at Ion tungkol sa pag-ibig.

Umusbong ang pagkakaibigan sa pagitan ng dalawa.

Sa mga post ni Vice sa social media ay makikitang kasa-kasama na rin si Ion sa ibang lakad ng comedian-TV host at ng kanyang grupo.

Pero hindi nakaligtas sa pang-iintriga ang dalawa, gaya ng diumano’y pagkakaroon nila ng relasyon at ginagamit umano ni Ion si Vice para sumikat.

Nilinaw ito ni Ion sa interview niya sa Tonight With Boy Abunda noong nakaraang linggo.

Saad niya, “Siguro po nagkakamali sila kasi sobrang bait na tao ni Vice, sobrang bait po talaga na hindi ko inaasahan na mapapalapit ako sa kanya.

“Nagugustuhan din po niya ang pagka-jologs ko.

“Siguro yun po ang masasabi ko na nagustuhan niya—ang pagka-jologs ko, sa pagiging bulol ko minsan, kaya yun po, siguro naging malapit ako sa kanya.”

ON INDECENT PROPOSALS

Kinumpirma rin ng modelo na nakakatanggap siya ng mga indecent proposal, pero tinatanggihan daw niya ang mga ito.

“Ang lagi ko pong sinasabi, ‘Hindi po ako ganung tao. Kung may mai-offer ako sa inyo, siguro pagkakaibigan lang. Pero maliban po dun, wala na.’

"Yun po ang lagi kong sinasagot sa mga nag-o-offer po sa akin ng indecent proposal.”  

Tinanong din ni Boy Abunda si Ion sa pang-iintrigang ginagamit umano niya ang kanyang katawan para maabot ang mga pangarap niya.

Sagot ni Ion, “Siguro po yung mga ibang tao kasi, sabi nga naman, yung puno [pag] mabunga [binabato].

“Hindi ko rin naman sila masisisi kasi, eto po, e, may kailangan po akong patunayan sa sarili ko na kaya kong tumayo sa sarili kong pamamaraan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Pero yung sinasabi po nila na ginagamit ko po yung katawan ko, opo, ginagamit ko siguro sa pagmomodelo, pag kailangan ko nang mag-topless.

"Pero maliban po dun, wala na po.”  

Inusisa rin si Ion kung ano ang hindi niya kayang gawin o hindi kayang ibigay kapalit ng kasikatan.

“Yung manloko ng tao. Yun po yung unang sinabi din ng pumanaw kong tatay, ‘Wag kayong manloloko ng ibang tao.’”

Pinayuhan din daw siya ng yumaong ama na huwag gamitin ang katawan para lang sumikat.

“Siguro po yung ako, yung katawan ko na… yun po ang ibig sabihin ni Tatay na huwag kong gamitin yung katawan ko para marating ko yung gusto kong marating.” 


ABOUT THE AUTHOR

Writer at heart. Follow me on Twitter @tweetieberns


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN