Is this Barbie Imperial's response to rumored rift with JM de Guzman?

IMAGE Noel Orsal

"Young but not stupid," ang tanging pahayag ni Barbie Imperial sa gitna ng espekulasyong may alitan sila ni JM de Guzman dahil kay Rhian Ramos. Sa kabilang banda, iginiit ni JM na hindi siya kundi si Barbie dapat ang tanungin hinggil sa tunay na nauugnay sa Kapamilya actress.


Isang maiksi ngunit malamang pahayag ang pinakawalan ni Barbie Imperial sa gitna ng espekulasyong may alitan sila ni JM de Guzman.

"Young but not stupid" ang status ni Barbie sa kanyang Twitter ngayong Martes ng umaga, November 27.

Pinaniniwalaang konektado ito sa sunud-sunod na pagsagot ni JM sa akusasyong panloloko diumano nito sa Kapamilya actress.

Ilang netizens ang naghayag ng sama ng loob kay JM, dahil buong-akala raw nila ay nagkakamabutihan na ito at si Barbie matapos ang tambalan nila sa ABS-CBN afternoon series na Araw Gabi.

Lalo na't noon lamang November 12 ay pinadalhan pa ni JM si Barbie ng teddy bear at love letter.

Sa hindi malamang dahilan, may ilang fans nina JM at Barbie (JuanBie) ang dismayado dahil diumano sa pagkakaugnay ng aktor kay Rhian Ramos, leading lady ng aktor sa Kung Paano Siya Nawala.

Ginamit diumanong "front" at "showbiz lang" ang panunuyo ni JM kay Barbie. 

Ito raw ang naging mitsa kung bakit nagkakaproblema diumano sina JM at Barbie ngayon.


Stories We Are Tracking

JM de Guzman slams basher amid issue involving Barbie, Rhian
JM de Guzman slams basher amid issue involving Barbie, Rhian

JM SAYS SORRY TO RHIAN

Kagabi, November 26, nilinaw nina JM at Rhian na kaibigan lang ang turing nila sa isa't isa.

Base ito sa Instagram post ng aktor kung saan makikita ang litrato nila ni Rhian.

Kalakip nito ang paghingi ng paumanhin ni JM sa pagkakadawit ni Rhian sa isyu nila ni Barbie.

Ito ay sa kadahilanang pati si Rhian ay inaatake ng pambabatikos ng ilang netizens na pinaniniwalaang fans ng JuanBie.

Sabi ni JM: "tol. Salamat sa malupit na journey na makatrabaho ka.

"Sa pagkakaibigan na pinakita mo at pagiging totoo salamat ng marami..

"All i have for you is respect at malasakit at alam ko ganun kadin sakin.

"Salamat nakatrabaho kita. salamat sa talento at inspirasyon. tibay mo.. Salamat sa tulong.

"Stay strong, alam ko medyo masakit na.

"im Sorry.

"ingat lagi kaibigan. apir"

Sumagot si Rhian at sinabi kay JM na maaasahan siya nito palagi bilang kaibigan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"M, i always appreciate how you always come out of pain stronger, smarter, and better.

"Dont ever lose that about you.

"But if you ever need an extra push, you know I'll be there for you.

"It aint easy, but thank you for the friendship and thank you for this. [flexed biceps emoji] flex em"

JM HINTS AT BARBIE'S LOVE INTEREST

Ngunit hindi pa rin tumigil ang netizens sa pambabatikos at paninisi kay JM.

Isang netizen ang kumuwestiyon kung bakit nakuhang mag-sorry ni JM kay Rhian, habang deadma lang umano ang aktor sa sakit na nararamdaman ni Barbie.

Tila sa sobrang inis, ibinulgar ni JM na si Barbie ang posibleng may ugnayan sa dating Pinoy Big Brother: All In housemate na si Axel Torres.

Balik-sagot ni JM sa netizen: "magkwentuhan kayo a... yung malalim na kwento. @axe1torres @msbarbieimperial"

Ngayong umaga, November 27, isa pang netizen na sinisi ang diumano'y ugnayan nina JM at Rhian ang sinagot ng Kapamilya actor. 

Pero iginiit ni JM na hindi paninira ang pasaring niya hinggil kay Barbie.

Sadyang hindi raw maintindihan ng aktor kung bakit siya ang pinuputakti ng intriga.

Buwelta ni JM, "o e tanga ka pala e.

"di ba puro paratang din kayo? pati mga walang kinalamang tao kung balahurain nyo ng salita nyo akala nyo Diyos kayo.

"ngayong may narinig lang kayong konti inalam nyo ba??

"galit kayo agad just shows how subjective you are.

"hindi na pagiging gentleman issue dito. kitid ng utak, at ugali mo.

"at hindi ako marunong manira. kaya nga sabi ko sila pagusapin nyo e.

"nak naman ng ano o. good morning. baka mali kayo ng binabash.:)"


Stories We Are Tracking

JM de Guzman calls out basher mocking his past drug use
JM de Guzman calls out basher mocking his past drug use
JM de Guzman to Barbie:
JM de Guzman to Barbie: "I love you with all my heart."
JM de Guzman defends Barbie Imperial from basher
JM de Guzman defends Barbie Imperial from basher
JM de Guzman admits real score with Barbie Imperial
JM de Guzman admits real score with Barbie Imperial


ABOUT THE AUTHOR

Follow Rachelle Siazon on Twitter: @pinkshi


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN