Ipinagdiriwang nina Loisa Andalio at Ronnie Alonte ang ika-731 araw ng kanilang relasyon—o dalawang taon at isang araw ng kanilang relasyon bilang magkasintahan.
Ito ay base sa Instagram post ni Loisa ngayong Martes, November 27.
Nakalagay sa caption ng larawan nila ng boyfriend: "seven hundred thirty one."
Kung susumahing mabuti, ito ang bilang ng araw sa loob ng dalawang taon kung saan ang isang taon ay may 365 araw.
Kapag dalawang taon, bumibilang ito sa 730 araw.
Hanggang ngayon ay hindi pa tuwirang umaamin sina Loisa at Ronnie sa kanilang relasyon.
Ngunit base sa mga komento ng kaibigang celebrities na malapit sa kanila, mukhang anibersaryo nga nila.
Pati netizens ay masaya para sa #LoiNie loveteam.
Nitong nakaraang mga buwan ay nagkaroon ng tampuhan ang dalawa ngunit naayos naman ito kaagad.
