Jake Zyrus confirms engagement to non-showbiz girlfriend

IMAGE Instagram photo

Jake Zyrus (right) confirms his engagement to non-showbiz girlfriend Shyre Aquino (left). Jake revealed his relationship with Shyre August of last year.


Kinumpirma ni Jake Zyrus na engaged na siya sa kanyang non-showbiz girlfriend na si Shyre Aquino.

Sinabi ito ng international singing sensation sa episode ng I Know Right?!, ang digital entertainment talk show ng IWant, noong Biyernes, November 23.

Tinanong si Jake kung engaged na siya.

Bungad ng 26-year-old singer, “I never lie, so...”

Pagkatapos ay nagbigay siya ng “thumbs up” bilang kumpirmasyon.

Paliwanag pa niya, “If somebody asked, of course, we say [yes].

"Pero actually, this is the first time I confirmed [it]."

Naging matipid naman sa iba pang detalye si Jake, kagaya ng petsa kung kailan nangyari ang engagement nila.

May mga impormasyon daw na gusto niyang gawing pribado pagdating sa kanyang love life.

“Sa akin naman, I think, give that information sa amin.

“Kasi, we enjoy na parang may mga information na hindi alam ang ibang tao.

“Yun ang iba sa relationship na ito… and I enjoy it very much, and I realized it’s so much that it makes me feel so happy.

"So, parang masaya ako na alam niyo, but I’m also happy that we have some things na sa amin lang.”

PERFECT TIMING

Nagpaliwanag din si Jake kung bakit sa tingin niya ay si Shyre na ang “the one.”

Aniya, “Yung relationship namin totally different from the past.

"Kasi, usually, di ba, when you’re in a relationship, like, first year, pabebe ka pa.

"But I believe, actually, first month pa lang ng relationship namin, talagang naging kumportable na ako sa kanya.

"Parang sa bahay pa lang, parang naisip ko na—sinabi ko sa kanya yun, actually—na, ‘Bakit ganun? Parang one month pa lang tayo, pero parang taon na kita kilala?’ Dun ko na-realize.

“Plus, everything was like perfect timing.

“She came into my life na before ako nag-transition and she was there with me all the time…

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Actually, nung nag-top surgery ako, siya yung nag-alaga sa akin.”

Ikinuwento rin ni Jake kung paano niya sinabi kay Shyre ang desisyon niyang mag-transition.

“I asked her. Sinabi ko sa kanya I was gonna transition—because I wanted to see her reaction.

“Because nakilala niya ako nung Charice ako.

“So, I told her na sabi ko na magta-transition ako and I explained to her and everything kung ano yung mangyayari, ganyan.

“And she just told me one thing, she told me, ‘Mahal kita kasi ikaw iyan.'”

Inamin ni Jake ang kanyang relasyon kay Shyre sa isang Instagram post noong August 2017.


Stories We Are Tracking

Jake Zyrus admits he has new inspiration
Jake Zyrus admits he has new inspiration
Jake Zyrus introduces his new ladylove
Jake Zyrus introduces his new ladylove


ABOUT THE AUTHOR

Writer at heart. Follow me on Twitter @tweetieberns


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN