JK Labajo insists he's innocent of Darren Espanto's accusation

IMAGE Instagram

JK Labajo (left) on issue with Darren Espanto: "Do I feel bad? I didn't feel bad kasi I didn't do anything. Hindi naman ganun kakapal ang mukha ko para magsinungaling to the extent na pati sa harap ng mga boss."


Pinaninindigan ni JK Labajo na inosente siya sa ibinibintang sa kanya ng kapwa The Voice Kids finalist na si Darren Espanto.

Kaugnay ito ng “gayness at its finest” tweet umano ni JK patungkol kay Darren.

Pinabulaanan ni JK na siya ang nag-tweet ng mensaheng iyon dahil na-hack daw ang kanyang Twitter account.

Ngunit naniniwala si Darren na si JK mismo ang nag-tweet niyon, base sa pagkakakilala niya rito.

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at Cinema News si JK sa trade launch ng mga programa ng ABS-CBN, na ginanap sa PICC Forum Tent, Martes ng gabi, November 27.

Ina-anticipate ni JK na sa pagsasalita niya sa kauna-unahang pagkakataon ay muling mabubuksan at iinit muli ang isyu sa pagitan nila ni Darren.

Pahayag ng 17-year-old singer, "You know kasi, the thing kasi with all these interviews, lalabas yung article, yung mga tao and everything, mababasa nila at lalaki pa yung issue.

“Well, even though, in the first place, hindi ako ang nagpalaki ng issue.

“I didn't know the issue in the first place.

“I privately messaged him. Kung ginusto ko na yung issue lumaki, dapat ako na ang nag-post nung una, di ba?”

Dagdag pa ni JK, “Bullshit, bullshit.”


Stories We Are Tracking

Darren, JK engage in word war over
Darren, JK engage in word war over "gayness" tweet
JK sarcastically answers bashers amid word war with Darren
JK sarcastically answers bashers amid word war with Darren
JK wears wig, makeup amid word war with Darren
JK wears wig, makeup amid word war with Darren
Darren explains reaction to JK's tweet against him
Darren explains reaction to JK's tweet against him

LET IT BE

Nasaktan ba siya sa nangyari, lalo't pinaninindigan ni Darren na kay JK mismo galing ang tweet at binura lang daw dahil hindi nito mapanindigan?

Ayon kay JK, "Do I feel bad? I didn't feel bad kasi I didn't do anything.

“Hindi naman ganun kakapal ang mukha ko para magsinungaling to the extent na pati sa harap ng mga boss.

"Well, iba-iba kasi ang paniniwala ng mga tao. Hindi mo mababago yun, so let it be.

“Ako, tapos na ako sa issue, even way back then, I chose a different path.”

Sa isang tweet ni Darren ay nabanggit nito ang posibilidad ng pagsasampa ng reklamo laban kay JK.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Hindi ba natakot si JK sa bantang ito sa kanya at hindi ba niya naisip na humingi na lang ng tawad?

Mariing sagot niya, “Hindi. Bakit ako matatakot?

“For what? I will apologize if I did something.”

Marami sa mga fans ni Darren ang nam-bash kay JK noong kasagsagan ng isyu nila. Pero pinili na lang daw ni JK na huwag magpaapekto rito.

"No, I don't give up. Actually, mayroon pa nga akong death threat.

“Pag namatay ako, naku, baka may lead na kayo… sinasabi ko lang.”

Tanggap daw ni JK na bahagi ng buhay ng isang celebrity ang isyu at intriga.

"Hindi, we're fine, everything is quiet.

"But I'm sure this article will make everything loud again for quite some time, and then it will go down again.

“Iyan ang nangyayari sa lahat ng issues, e, nangyayari, lumalaki, ‘tapos makakalimutan.

“It's part of showbiz, pinasukan ko ito, e. It's part of it."

MAUREEN WROBLEWITZ

Isa sa nagtanggol kay JK nung kainitan ng isyu ang Asia's Next Top Model winner na si Maureen Wroblewitz.

May espesyal nga ba silang relasyon ni Maureen?

Saad ni JK, "I appreciate it. Wala naman, me and everyone else has something special in between.

“I have something special with a lot of people.

"It all depends, man, it depends on how people see it.

“Some things are best kept private, you know.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN