Rodjun Cruz responds to criticisms about flash mob at cousin Teejay Cruz's wake

IMAGE Courtesy: @rodjuncruz on Instagram

Rodjun Cruz on flash mob at last night of Teejay Cruz wake: "Worship song yun, e, for the Lord, and yun din yung pinapakinggan ni Teejay, sinasayaw niya yun."


Dinepensahan ni Rodjun Cruz ang ginawa nilang flash mob sa huling lamay ng kanyang pinsan na si Teejay Cruz noong Sabado, November 24.

View this post on Instagram

Every praise dance number for T.J!?? We love you!????????? Forever in our hearts @spikeforhope

A post shared by Rodjun Cruz (@rodjuncruz) on

Pinili ng pamilya Cruz na gawing celebratory mood ang huling pagbibigay-pugay sa namayapang si Teejay, kung saan sinayaw at inawit ng pamilya, sa pangunguna ng ama nitong si Tirso Cruz III, ang worship song ni Hezekiah Walker na "Every Praise."

View this post on Instagram

Part 2 Celebration of Life last night for my son TJ. 11-25-2018

A post shared by lynncruz525 (@lynncruz525) on

Pahayag ni Rodjun tungkol dito, "Yun nga, hindi ko alam na may nang-bash.

"Kasi sa akin, puro naman positive. Maraming nagsasabi grabe daw yung pag-praise kay Lord, ang faith kay Lord.

"Pero siyempre, mami-miss natin si Teejay, tsaka yung sakit dun, kasi siyempre alam natin si Teejay nasa heaven na.

"So, kailangan din natin mag-rejoice sa life niya and, siyempre, dun din naman tayo pupunta.

"And thankful tayo na binless kami with Teejay, lalo na sina Tito Pip at Tita Lynn [Ynchausti-Cruz].

"Worship song yun, e, for the Lord, and yun din yung pinapakinggan ni Teejay, sinasayaw niya yun."

Bakit naisip nilang mag-flash mob sa huling lamay ni Teejay?

Tugon ng 31-year-old Kapuso actor, "Yung nag-flash mob kami, request talaga ni ano yun... yun ang gusto ni Teejay talaga.

"Sinasabi nga ni Tita Lynn, kapag ano nga siya, gusto niya gumawa ng ganun.

"Kapag may mga cancer patients na mga kids... sa heaven, hindi na niya magagawa yun.

"So, si Tita Lynn, si Tito Tirso sinabi nila na iyan yung gusto ni Teejay.

"Kasi si Teejay, mahilig talaga sumayaw iyan. And sobrang bait talaga ni Teejay."

Gaano sila ka-close ni Teejay?

Sagot ni Rodjun, "Sobrang close kami nun ni Teejay.

"Si Teejay kasi talaga yung nagri-reach out sa mga side niya sa Cruz, e.

"Siya yung parang pag may mga reunion, siya yung nag-o-organize kapag may mga reunion kaming magpipinsan.

"Madali mo siyang yayain 'tapos parang siya yung life of the party. Napakabait talaga."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Eksklusibong nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Rodjun sa pamamagitan ng telepono ngayong Miyerkules ng gabi, November 28.


ABOUT THE AUTHOR

Lead Correspondent, Top Story Man '12, Stringer of the Year '13, Top Contributor '14, Staff Reporter of the Year '15-'16 @arnielcserato (Twitter/Instagram)


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN