Atom Araullo, Richard Gomez, Robi Domingo, Karylle wowed by historic UP Maroons win

IMAGE Atom Araullo, Richard Gomez, Robi Domingo, Karylle

Atom Araullo, Richard Gomez, Robi Domingo, Karylle, at iba pang celebrities ay napa-post sa social media sa sobrang tuwa sa pagkapanalo ng UP Fighting Maroons laban sa Adamson Soaring Falcons.


Hindi magkamayaw ang netizens sa social media sa pagkapanalo ng UP Fighting Maroons kontra Adamson Soaring Falcons, kung saan ang final score ay 89-87, sa Smart Araneta Coliseum, ngayong gabi, November 28.

Makasaysayan ito para sa University of the Philippines dahil ngayon lang ulit makakaabot ang kanilang koponan sa UAAP Finals sa loob ng 32 taon.

Huling nagdala sa UP sa championship ay ang team nina Benjie Paras at coach Joe Lipa noong 1986.

Makakalaban ng UP Fighting Maroons ang Ateneo de Manila University Blue Eagles simula sa Sabado, December 1.

Pati mga artista at media personalities na nagtapos sa UP at Ateneo ay naghayag ng kanilang excitement para sa kaabang-abang na UAAP Finals, na tinaguriang #BattleofKatipunan.

CELEBRITY GRADUATES FROM UP

Sa UP graduates, nanguna sina Atom Araullo, Richard Gomez, Senator Francis "Chiz" Escudero sa pagpapakita ng kanilang tuwa nang magwagi ang UP sa umaatikabong overtime match laban sa Adamson kanina.

Nagsaya rin sina Karen Davila, Gretchen Fullido, Ebe Dancel, Mark Zambrano, at director Mae Cruz-Alviar.

View this post on Instagram

Congratulations UP!!! See you at the Finals!

A post shared by Richard Gomez ???????? (@richardgomezinstagram) on

CELEBRITY GRADUATES FROM ATENEO

Sa Ateneo graduates, naghayag ng excitement para sa #BattleofKatipunan sina Karylle, Gretchen Ho, at Robi Domingo. 

MORE CELEB REACTIONS

Samantala, ilan pang celebrities ang nakiisa sa pagkapanalo ng UP Maroons laban sa Adamson.

Kabilang dito sina Senator Grace Poe, Gil Cuerva, at Hashtag Jon Lucas:

READ FROM SPIN.PH. UP Maroons outlast Adamson in OT, reaches UAAP Finals for first time in 32 years


ABOUT THE AUTHOR

Follow Rachelle Siazon on Twitter: @pinkshi


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN