Rhian Ramos on JM de Guzman-Barbie Imperial issue: "Leave me out of it."

IMAGE Noel Orsal

Kapuso actress Rhian Ramos breaks her silence about the controversy involving Kapamilya stars JM de Guzman and Barbie Imperial.


Nagsalita na ang Kapuso actress na si Rhian Ramos hinggil sa pagkakadawit sa kanyang pangalan sa isyung kinasasangkutan ng ABS-CBN stars na sina JM de Guzman at Barbie Imperial.

Sina JM at Barbie ay naging magkapareha sa Kapamilya teleserye na Araw Gabi, na nagtapos noong October.

Nagtambal naman sina Rhian at JM sa pelikulang Kung Paano Siya Nawala, na kasalukuyan pang palabas sa mga sinehan.

Nagkaroon na ng supporters ang team up nina JM at Barbie o kilala rin sa tawag na JuanBie.

Alegasyon ng JuanBie fans, sina JM at Rhian umano ang tunay na nagkakamabutihan.

Inakusahan din ng fans si JM na ginagamit lang umano nito si Barbie.

Inakala kasi ng fans na may namamagitan kina JM at Barbie dahil sa kanilang sweet gestures.

Sa isang post ay sinabihan pa ni JM si Barbie ng "I love you with all my heart."

Maraming fans ang nagalit nang magsimula ang promosyon ng pelikula nina JM at Rhian, at inakusahang sila umano ang tunay na magkarelasyon.


Stories We Are Tracking

JM de Guzman slams basher amid issue involving Barbie, Rhian
JM de Guzman slams basher amid issue involving Barbie, Rhian
Is this Barbie's response to rumored rift with JM?
Is this Barbie's response to rumored rift with JM?
JM de Guzman to Barbie:
JM de Guzman to Barbie: "I love you with all my heart."

RHIAN SPEAKS UP

Ani Rhian, aware siya sa pagkakasangkot ng kanyang pangalan sa isyu nina JM at Barbie.

Paliwanag ng 28-year-old actress, hindi na bago sa kanya ang madawit sa kontrobersiya.

“I know, but another thing that I'm grateful for, I've actually been through that kind of thing in the past, and it doesn't bother me when people say things about me naman.”

Nababahala lang daw si Rhian kapag nagre-react ang mga taong nasa paligid niya.

“At the same time, like, if it bothers the people around me, that's the time when I'm, like, 'Oh my God, I'm too old for this nonsense.'

"So that's when I'm, like, 'Guys, leave me out of it. I'm just trying to leave. So, leave me out of it,'" saad niya.

Pansamantala munang iiwan ni Rhian ang showbiz at magbabakasyon sa ibang bansa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Anim na buwan ang plano ng Kapuso actress na bakasyon upang pagtuunan ang sarili.

Eksklusibong nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Rhian nang dumalo siya sa pagbubukas ng Toby's Sports Flagship Store sa Bonifacio High Street, Bonifacio Global City, Taguig, nitong Miyerkules, November 28.

JUST FRIENDS

Nilinaw rin ni Rhian na magkaibigan lang sila ni JM.

Nagpapasalamat din ang aktres kay JM dahil sa Instagram post ng aktor kamakalawa kung saan humingi ito ng paumanhin dahil sa pagkakadawit ng kanyang pangalan sa isyu.

Sabi ni Rhian, “I appreciate that he apologized.

"I was most touched by that na he would apologize for something like that, even if it's not his fault.

“I mean, things like this happen in show business, but I appreciate it.

“I felt like he was trying to be a gentleman by doing that, and that's commendable.”

Sa naturang post ni JM, nagkomento rin si Rhian at nagpahayag ng pagsuporta sa aktor na nabigyan muli ng pagkakataong makabalik sa showbiz matapos ma-rehab ng tatlong taon dahil sa ipinagbabawal na gamot.

Sa PEP.ph interview, idiniin ni Rhian na buo ang suporta niya kay JM at kumpiyansa siyang magtutuluy-tuloy ang showbiz comeback nito.

“I'm rooting for him all the way,” pakli ng aktres.

“I mean, it was not an easy project to complete or promote, but I'm rooting for him all the way.

“He's already doing so much and I have full confidence that he has a bright future ahead.”


ABOUT THE AUTHOR

Writer at heart. Follow me on Twitter @tweetieberns


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN