Kylie Verzosa confirms Diego Loyzaga has not yet returned to Los Bastardos

IMAGE Bernie Franco

Kylie Verzosa confirms co-star Diego Loyzaga has not yet returned to their set amidst allegations that the actor supposedly attempted suicide.


“Sana bumalik siya,” sabi ni Kylie Verzosa nang matanong tungkol sa co-star niya sa Los Bastardos na si Diego Loyzaga.

Naging honest si Kylie nang tanungin ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) tungkol sa anak nina Teresa Loyzaga at Cesar Montano.

“We haven’t heard from him. But I just wish the best for him,” sagot ng Miss International 2016.

Alam ba niya kung ano ang nangyari kay Diego?

“No, we don’t know much about it,” tugon ng beauty queen-turned-actress.

Hindi pa ba bumabalik sa taping si Diego?

“No, not yet. Pero sana bumalik siya,” sabi ni Kylie.

Eksklusibong nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Kylie sa pagbubukas ng Toby's Sports Flagship Store sa Bonifacio High Street, Bonifacio Global City, Taguig, nitong Miyerkules, November 28.

November 7 nang masulat ang diumano’y suicide attempt ni Diego noong gabi ng Martes, November 6.

Nakipag-ugnayan ang PEP.ph sa kampo ni Diego subalit wala kaming natanggap na sagot.

Sa maiksing statement na ipinadala naman ng Star Magic, ang talent management arm ng ABS-CBN na humahawak sa career ni Diego, hindi nila kinumpirma o itinanggi ang isyu.

Pahayag ng Star Magic: "Diego and family are doing fine. And are requesting for privacy. Thank you."


Stories We Are Tracking

Diego Loyzaga in attempted suicide?
Diego Loyzaga in attempted suicide?

STILL ADJUSTING

Samantala, inamin ni Kylie na nag-a-adjust pa siya sa showbiz ngunit masaya siya sa takbo ng kanyang career.

Pahayag ng dalaga, “I’m still adjusting.

“I would say nahirapan ako nung una, especially the long hours, so I have even more respect for actors and their craft—very disciplined and focused.”

Kaya naman tuluy-tuloy pa rin daw ang kanyang pagwu-workshop para lalong humusay.

“Tuloy-tuloy pa rin yung workshops, but I’m enjoying it naman.

“I’m enjoying the people I’m with, the cast members I’m with.

“And we’re having fun.”

Si Kylie ang leading lady ni Jake Cuenca sa Los Bastardos.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Puring-puri rin ni Kylie ang kanyang leading man.

Saad niya, “Jake is super nice. I’m so lucky kasi ang galing niyang aktor.

“Kasi pag kasama mo siya, he always shares his knowledge, his two cents about being in the industry, about how he could make things better.

“Ang dami niyang natuturo sa amin, sa cast members.

“I really love to have him as a partner.”  

Ang suicide ay hindi sagot sa suliranin.

Para sa mga nangangailangan ng tulong, maaaring tumawag sa mga sumusunod na numero: (02) 804-HOPE (4673); 0917 558 HOPE (4673); 2919 (toll-free number for all GLOBE and TM subscribers)


ABOUT THE AUTHOR

Writer at heart. Follow me on Twitter @tweetieberns


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN