Jaya not envious of VIP treatment of ABS-CBN for Regine Velasquez

IMAGE Rachelle Siazon / Noel Orsal

Jaya (left) on whether or not she feels jealous of ABS-CBN's special treatment of Regine Velasquez: "Wala. Hindi mo puwedeng sabihing nakakainggit or nakakaano kasi iba yun, e. You can't compare. We all have different achievements, we have our own moments under the sun."

 


Diretsahang sinabi ni Jaya, 48, na hindi siya nakaramdam ng selos sa VIP treatment ng ABS-CBN kay Regine Velasquez, 49.

Ito ay sa gitna ng usap-usapan sa social media na tila naitsapuwera ang ibang singers ng ABS-CBN mula nang dumating ang Asia's Songbird.

Twenty years naging Kapuso si Regine hanggang sa lumipat siya sa Kapamilya network noong October 17, 2018.

Si Jaya ay 16 years ding Kapuso bago siya lumipat ng ABS-CBN noong July 2016.

"Personally, I'm never jealous or envious because I know she also supports us. We all support one another," bungad ni Jaya. 

Patuloy niya, "You know, itong trabaho namin, pare-pareho kami na gusto namin makapagpasaya ng tao, to sing, and share what we have as singers.

"Talent ito, e. Ibinigay sa amin ito.

"Ano man ang laman nun sa labas, kanya-kanya na kami ng diskarte and kanya-kanya na kami ng kinang, ng shine, or moment." 

Hindi raw si Jaya ang tipo ng taong magtatanim ng inggit dahil lang sa kasikatan ng iba.

Lalo pa't secure siya sa sariling talento at mayroon din siyang sariling mga proyekto.

Paliwanag pa ni Jaya, "Hindi mo puwedeng sabihing nakakainggit or nakakaano, kasi iba yun, e. You can't compare.

"We all have different achievements, we have our own moments under the sun.

"Yun na nga lang, e, grateful kami.

"At this age, I'm still singing. I've done Soulja... Di ba, maging grateful ka and wala na akong hihilingin pa."

Ang tinutukoy ni Jaya na Soulja ay ang kanyang concert sa New Performing Arts Theater noong August 30.

Dugtong ni Jaya patungkol sa kapwa-singers, "And I'm sure it's the same for them.

"We all have this feeling na, 'Nakaabot tayo! Oh my goodness, rumaratsada pa rin tayo! Huwag na tayong umarte!'

"Just sing and sing and sing, until wala na, until our last breath, just sing." 

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at piling entertainment media si Jaya sa launch ng concert nila ng American singer na si Patti Austin na Christmas with Soul Divas

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ginanap ang interview sa Mesa restaurant sa Tomas Morato, Quezon City, kahapon, November 28.

HAPPY FOR REGINE

Isa si Jaya sa mga malapit na kaibigan ni Regine na unang nakaalam tungkol sa desisyon ng Asia's Songbird na lumipat sa ABS-CBN.

Hindi na raw nagulat si Jaya na lumikha ng malaking ingay ang pagtapak ni Regine sa ABS-CBN bilang isang ganap na Kapamilya, noong October 17.

Saad niya, "It's like history in the making.

"And I was just so in awe of how God can just really transform your life, kasi sabay kami sa walk namin in Christ.

"And we know, alam namin kung anong mga pinag-uusapan namin a few years back.

"And for that to happen, sit back and relax ka na lang, enjoy the moment.

"Kahit di ka magplano, may nagpaplano."

Alam daw ni Regine kung gaano siya kasaya para rito, dahilo nag-uusap sila sa messaging app na Viber.

Kuwento ni Jaya, "We were Vibering.

"Talagang makikita mo yung ibang klaseng glory siya, e. For her, 'no, that's her journey.

"And we're just looking in and enjoying the moment with her.

"So nung nangyari yun, talagang nothing is impossible."

ON REGINE'S BASHERS

Sa kabilang banda, aminado si Jaya na umani rin si Regine ng matinding pambabatikos mula sa netizens na hindi gusto ang umano'y pagtalikod nito sa GMA-7 pagkatapos ng 20 taon. 

Pero giit ni Jaya, naging committed si Regine sa trabaho nito sa GMA-7.

"When that commitment is done, [then you go on to the] next step. Talagang ganun ang buhay.

"Unfortunately, if I may say so, sa mga di natuwa, they are entitled to their own opinions.

"But you know, sometimes words can really cut deep. Alam ko na-affect siya dun."

Sa huli, nilinaw ni Jaya na walang kaibahan ang career move ni Regine sa ginagawa ng ibang artista.

Sadyang mas nabibigyang-pansin nga lang daw ang kay Regine dahil sa estado nito bilang A-list celebrity.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Dagdag ni Jaya hinggil sa parehong karanasan ng ibang artists sa bashers: "Lahat kami na-affect. Pare-pareho kami ng trabaho.

"Ang kanya lang magnified because she is the queen for many of us.

"So, my God, grabe naman!

"And we knew it was going to fade. It will pass, it will end, and she will just go on with the journey.

"But she has to go through it."

Upang kahit papaano ay gumaan ang pakiramdam ni Regine, biniro raw ito ni Jaya na handa niyang resbakan kung sinumang nambabatikos sa Asia's Songbird.

"So, dyinu-joke ko siya, 'O, ano gusto mo, awayin ko? Sabihin mo lang sa akin, magpu-post din ako.' 

"Kasi ayoko namang chumika na wala namang permiso.

"Sabi niya, 'Hindi, okey lang ako.'"

Dagdag ni Jaya, "Pinatawa ko lang siya kasi alam kong masakit yun. Tao lang tayo.

"Sila kaya sabihan ng ganun, masaya ba? Di ba, hindi naman?

"But it comes with the territory. Part na yan ng trabaho namin."


ABOUT THE AUTHOR

Follow Rachelle Siazon on Twitter: @pinkshi


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN