Jaya comments on Janno Gibbs misgivings about lack of projects in ABS-CBN

IMAGE Rachelle Siazon / @jannolategibbs Instagram

Jaya on Janno Gibbs's way of dealing with his career troubles: "I cannot really comment on it na mali or tama. It's just I love him as a brother, as a co-worker. I respect him as an artist."


Hindi maiwasang mahingan ng komento si Jaya hinggil sa hinaing ng kapwa-singer na si Janno Gibbs tungkol sa kawalan nito ng proyekto sa ABS-CBN.

Kaugnay ito ng pag-amin ni Janno na dismasyado dahil hindi man lang daw siya inimbitang sumama sa ABS-CBN Christmas station I.D.

Nasa U.S. daw si Jaya nang mabasa ang Instagram post ni Janno tungkol sa sama ng loob nito sa Kapamilya network, noong November 18.

“Hindi ako maka-react,” saad ni Jaya.  

“Because that is his emotions, his feelings, his decision to post something that has to do with his feelings.

“Lahat tayo puwedeng mag-post, so nung ginawa niya yun, hind ko alam kung anong ire-react ko kasi damdamin niya yun.”

Naniniwala raw si Jaya na si Janno ang mas nakakaalam kung paano nito dapat i-handle ang issues sa showbiz career nito.

Paliwanag ng Soul Diva, “If at the end of the day, he comes to terms with sa career niya, kung anong gusto niyang gawin, kung ano yung tama at mali, kanya yun.

“I cannot really comment on it na mali or tama.

“It’s just I love him as a brother, as a co-worker.

“I respect him as an artist. Nauna siya sa akin after all. Isa siya sa mga inidolo ko.”  

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Jaya sa intimate mediacon para sa Christmas Soul Divas, sa Mesa restaurant sa Tomas Morato, Quezon City, kahapon, November 28.

ENCOURAGING JANNO

Bilang beterano sa showbiz, aminado si Jaya na dumadaan talaga sa ups and downs ang karera ng isang artista o singer.

Kanya-kanya na lang daw talaga kung paano ito haharapin.  

“Lahat naman ng kasama ko, inidolo ko—si Ogie [Alcasid], si Regine [Velasquez], si Janno.

“They all make their own decisions, and whatever it is, we have to respect it.

“Just like we respect bashers, how they throw things at us.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“If we decide we wanna throw things outside, isang malaking emotional rant, and at the end, we pull off.”

Hindi man nag-react si Jaya sa Instagram post ni Janno, nag-iwan naman daw siya ng mensahe sa hiwalay na Facebook post nito. 

"It has something to do pa rin na parang ayaw na sa kanya ng tao," sabi ni Jaya, na hindi na maalala ang eksaktong status ni Janno.

"Basta something ayaw. Sabi ko, 'Ay, wag ganun. Gusto ka pa rin namin marinig.'

"I was just encouraging him." 

Nagpu-post din ba siya ng hinaing niya sa social media?

Sagot ni Jaya, “Hindi ako mahilig magbato online.”

Kung may problema man daw siya sa kanyang career ay idinudulog niya sa kanyang manager.

“I talk to them because their opinion matters to me—my managers, my handler, people I work with.

“And I do it in silence.”

NO ISSUE WITH ASAP

Noong kasagsagan ng paglabas ng hinaing ni Janno, may ilang netizens ang sumita rito na posibleng madawit pa si Regine Velasquez sa isyu. 

Ito ay sa kadahilanang may netizens na kumukuwestiyon na tila naiitsapuwera ang ibang Kapamilya singers mula nang lumipat si Regine sa ABS-CBN. 

Lalo na't kasabay ng pagpasok ni Regine ang pag-reformat sa ASAP, ang Sunday musical-variety show ng Kapamilya network, na ngayon ay may titulong ASAP Natin 'To.  

Sa parte ni Jaya, hindi raw isyu sa kanya na hindi pa siya kinukuhang mainstay o semi-regular performer sa ASAP Natin 'To

"And for her to be on ASAP, sabi sa 'yo historical, e. Sobrang momentous 'yan, e," komento ni Jaya hinggil sa pagiging headliner ni Regine sa show. 

Sabi pa ni Jaya, "Kami rin naman, we get to go on the same stage.

"I just don't know with Janno kung naka-guest na siya sa ASAP, ako many times.

"And I'm so content with that. Super! Promise!" 

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Bukas daw si Jaya kung sakaling maging bahagi siya ng ASAP.

Lalo na't posibleng maka-reunion niya roon ang singers ng dating rival show ng ASAP sa Kapuso network, ang SOP.

Ilan sa co-hosts noon ni Jaya sa SOP ay sina Regine, Ogie, Janno, Lani Misalucha, Jolina Magdangal, Jay-R, Jona, at Kyla—na kasalukuyang nagtatrabaho rin sa ABS-CBN. 

Nakangiting bulalas ng Soul Diva, "Alam na, 'te! Naghihintay na lang ako ng booking. Open date for production number!" 


Stories We Are Tracking

Janno Gibbs defends post about ABS-CBN Christmas station ID
Janno Gibbs defends post about ABS-CBN Christmas station ID


ABOUT THE AUTHOR

Follow Rachelle Siazon on Twitter: @pinkshi


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN