Khalil Ramos opens up about exclusively-dating relationship with Gabbi Garcia

IMAGE Noel Orsal

Khalil Ramos on rumored girlfriend Gabbi Garcia: "We're three years apart, I'm three years older than her, pero she sometimes acts... actually, most of the time, acts even older than me."


Isang taon nang exclusively dating ang Kapamilya actor na si Khalil Ramos at ang Kapuso actress na si Gabbi Garcia.

Ayon kay Khalil, masaya sila sa relasyon nila kahit hindi pa raw talaga sila opisyal na magkasintahan.

“Okay naman, we’re happy, birthday niya sa Sunday,” pagtukoy niya sa 20th birthday ni Gabbi sa December 2.

Dagdag pa ni Khalil, who will turn 23 sa January 22, “We’re exclusively dating pero we’re not… chill lang kami.”

Kapag natatanong ng reporters si Gabbi tungkol kay Khalil, umiiwas ito.

Lagi nitong sinasabi na si Khalil na lang ang tanungin ng media tungkol sa totoong estado nila since ito naman ang lalaki.

Kaya naman inusisa ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Khalil ukol dito.

Sagot niya, “Alam ko, whenever she gets asked, she will say the same thing, we’re exclusively dating. And yun.”

Wala pa talaga silang monthsary date?

Saad ni Khalil, “No, no. I wouldn’t call it a traditional kind of relationship.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"We’re exclusively dating and we’re... yun lang, dating.”

Eksklusibong nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Khalil bago magsimula ang story conference ng pelikulang G! sa Salu Restaurant, sa Quezon City, kahapon, November 29.

Ang G! ay isang coming-of-age movie na pagbibidahan din nina Jameson Blake, Mark Oblea, Paulo Angeles, Nick Parker, at Dominic Roque.

Nakatakda itong ipalabas sa summer ng susunod na taon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
 IMAGE Noel Orsal

GABBI'S GOOD QUALITIES

Ano ang mga katangian ni Gabbi na nagustuhan niya?

Tugon ni Khalil, “Gab is a very smart girl, she’s very mature for her age.

“We’re three years apart, I’m three years older than her, pero she sometimes acts... actually, most of the time, acts even older than me.

“And I like her views in life, her beliefs, and her family.”

Bukod dito, hanga rin daw siya sa positibong pananaw ni Gabbi sa buhay.

“Very well-rounded, and her positivity as a person also, her drive, her spirit mismo bilang tao, bilang isang tao na may pangarap.”

Nagseselos ba siya kapag may nali-link na iba kay Gabbi? O balitang may iba itong nakaka-date?

Pag-amin ni Khalil, “Of course, yes, we’re exclusively dating and that’s what the commitment entice you to do.

“Siyempre, you can’t date anyone.”

Umaasa ba siyang mauwi sa totohanang relasyon ang sitwasyon nilang dalawa ngayon?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sagot ni Khalil, “Siyempre, that's something that you would like, you would want.

"Pero kumbaga, in terms of being future-forward, in terms of her relationship, hindi naman masyadong pinag-uusapan.

“As long as we both influence each other in a good way, as long as walang masamang nadudulot, then go.”


ABOUT THE AUTHOR

Lead Correspondent, Top Story Man '12, Stringer of the Year '13, Top Contributor '14, Staff Reporter of the Year '15-'16 @arnielcserato (Twitter/Instagram)


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN