Jameson Blake moves on from shout-out gaffe: "Ganun mga tao dito sa Philippines, mga judgemental talaga."

IMAGE Noel Orsal

Jameson Blake on controversial "shout-out" post on Twitter: "I know maybe I made my mistake…but also, they had their mistakes to other people, but then wala, ganun mga tao dito sa Philippines, mga judgemental talaga...instead of focusing on my graphic design issue, they focus on the other stuff, di ba?"


Matagal na raw naka-move on si Jameson Blake mula sa controversial post niya sa Twitter noong nakaraang July 4, 2018.

Sa nasabing post, nagka-crowdsource ito ng mga graphic designers na willing siyang gawan ng banner photos para sa kanyang mga social media accounts.

In return, ang mapipili raw ay bibigyan niya ng "shout-out."

Pero hindi ito nagbunga ng magandang resulta, bagkus ilang araw siyang pinagpiyestahan sa social media dahil sa kanyang post.


Stories We Are Tracking

Jameson Blake draws flak over
Jameson Blake draws flak over "shout out" as payment for art

Paano nga ba niya hinarap ang pambabatikos sa kanya ng netizens noon?

Tugon ni Jameson, “Wala, nag-break lang ako sa social media media for like a week lang, just to let everyone say what they want para maano lang sila.”

Nagulat ba siya sa uproar na nangyari?

Saad ng Hashtags member, “Oo naman. I really never expected na it’s gonna be that big.

“I know, maybe, I made my mistake… but also, they had their mistakes to other people, but then wala, ganun mga tao dito sa Philippines, mga judgemental talaga, they always have…opinionated.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kahit maliit na bagay, instead of focusing on my graphic design issue, they focus on the other stuff, di ba?

“Wala. Ako kasi as a person dedma lang talaga ako sa mga ganun, e, it's not worth my time.”

Sa ngayon daw, maingat na si Jameson sa pagpu-post sa social media upang makaiwas sa kontrobersiya.

Saad pa niya, “Yeah, I’m more careful now.

“Ever since that time, sobrang bihira na ako mag-post, e. Pictures, bihira lang ako mag-post ngayon.

“Pero ganun talaga ako before, I don’t really post that much pero ever since na big issue na yun, steady lang.”

Eksklusibong nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Jameson sa story conference ng pagbibidahang pelikula nito na G! noong nakaraang Huwebes, November 29, sa Salu restaurant sa Quezon City. 

Ang G! ay isang coming-of-age movie na pagbibidahan din nina Khalil Ramos, Mark Oblea, Paulo Angeles, Nick Parker, at Dominic Roque.

Ito ay nakatakdang ipapalabas sa summer ng 2019.


ABOUT THE AUTHOR

Lead Correspondent, Top Story Man '12, Stringer of the Year '13, Top Contributor '14, Staff Reporter of the Year '15-'16 @arnielcserato (Twitter/Instagram)


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN