How did Jake Zyrus know that fiancée Shyre Aquino is "the one?"

IMAGE Instagram

Jake Zyrus (right) on fiancée Shyre Aquino's (left) most endearing trait: "Ang pinaka na-realize ko na she's the one, because of the bad times. The challenge is yung bad times. When you fight even with small things, yun ang tinitingnan namin on how we handle it. At doon ko na-realize na she's the one because we had it na adult, na dapat ganun naman talaga."


Masaya raw talaga si Jake Zyrus ngayon, lalo na sa relasyon nila ng fiancee niyang si Shyre Aquino.

“We just like... private lang,” saad niya.

Yung magiging kasal nila, magiging pribado rin?

“Yes, yung close friends ko lang, close friends niya.

“Ilan lang ba yung friends ko?

“I’m very, very happy. I’m more calm.

“I handle things better kasi iba talaga when you have someone that understands the whole you,” kuwento ni Jake nang makausap siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa ginanap na presscon ng biggest charity music festival of the year ng Frontrow kunsaan kasama si Jake at iba pang mga kilalang artists sa bansa.

Naganap ang presscon sa Luxent Hotel, Quezon City noong November 28.

Ayon pa kay Jake, “When we took this next step, para sa akin sign na just to let each other know na we’re for each other.

“I’m hers and she’s mine.”

Kung sakali, posible raw silang sa ibang bansa magpakasal dahil hindi pa rin legal sa Pilipinas ang same sex marriage.

Pero magkakaroon daw sila ng selebrasyon sa bansa.

IMPORTANCE OF MARRIAGE

Sinagot din ni Jake kung bakit importante sa kanya ang maikasal.

“Bata pa lang ako, yun na ang pangarap ko,” pag-amin niya.

“When I say family, hindi naman agad-agad na magkaanak ka.

“Pero you have someone to spend the rest of your life with.”

Sabi pa niya, “Parang ano kami... when you get married, I don’t want to be one of those married people that you limit yourself, 'tapos doon nag-uumpisa yung mga away.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“When we get married, we still wanna have fun, we enjoy our lives together as a married couple and at the same time, as young people.”

STANDING UP TO HIS CONVICTIONS

Si Jake rin daw ang tipo ng taong pinangangatawanan niya talaga kung ano man ang maging desisyon niya.

Saad niya, “Ako naman po, parang kilala niyo naman ako na when I decide something, I really do.

“Hindi lang naman po sa marriage; even with loving myself, telling the truth—everything.

“When I decide something, I really do it because it’s part of our lives.

“Whether magkamali ka man in the future or not, sino ba ang makakapagsabi kung magkamali ka in the future? Nobody.

"Unless you try it, you do it. But right now, all I know, I’m with a very good person.

“I’m in very good company with her and my heart is in a good place at yun ang pinaka-importante.”

Kung tutuusin, mas matagal ang naging relasyon niya sa ex-girlfriend niya.

Pero ngayon, kasal na ang pinag-uusapan.

Paano niya nasabing si Shyre na nga ang gusto niyang makaama habambuhay?

“Mahirap i-explain, e,” natawang sabi niya.

Marami rin daw siyang naging past relationships.

Sabi niya, “It wasn’t puppy love, it wasn’t trip-trip.

"Kahit bata pa ako, I’m always in a serious relationship.

“Ayoko ng short relationship, ayoko ng flirt-flirt.

“When I’ m in a relationship, gusto ko serious.

“Kasi nga bata pa lang ako, gusto ko na yung idea that you’ll get married.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“You’ll settle down with this person.

“And for those relationships, it was always the same.

“Ang pinaka na-realize ko na she’s the one, because of the bad times.

“Kasi yung good, alam na natin yun.

“The love is there, alam naman namin na mahal naman namin ang isa’t isa, that’s given.

“The challenge is yung bad times.

“When you fight even with small things, yun ang tinitingnan namin on how we handle it.

“At doon ko na-realize na she’s the one because we had it na adult na dapat ganun naman talaga.

“Kaya sabi ko, I’m gonna keep this person because she’s good for my soul.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN