Kathryn Bernardo not rushing to settle down with boyfriend Daniel Padilla

IMAGE Noel Orsal

Kathryn Bernardo on knowing the proper time to settle down: "For me, kapag nakikita mo yung buhay mo, nakikita mo yung mga bagay na ito na ginagawa mo na kasama yung taong yun, isa yun. Kapag hindi mo makita yung future na wala siya."

 


Tahasang itinanggi ni Kathryn Bernardo na hindi pa siya handa na maging Mrs. Daniel Padilla kahit inamin na nila ang matagal na nilang relasyon na umabot na ng anim na taon.

Pahayag ng 22-year-old Kapamilya actress, “Not so soon naman po.

“It’s too early pa naman, and ito yung mga bagay na hindi mo dapat minamadali, kasi kasal yan, e.

“Ang unfair sa iyo, o sa isa, kung pumasok ka sa isang bagay na hindi ka ready, kapag hindi mo napagbibigyan ang lahat.

RIGHT TIME

Kelan daw niya masasabi kung handa na siyang lumagay sa tahimik?

Aniya, “Paano masasabi?

“Mararamdaman mo yun, feeling ko.

“Pag ready ka na, ready na ang partner mo.

“Kasi iba-ibang age tayo puwedeng maging ready na pasukin ang marriage.

“Kasi ibang level yun sa kapag boyfriend-girlfriend kayo,” paliwanag ni Kathryn nang makapanayam siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa grand media launch ng pelikulang Three Words To Forever ng Star Cinema na patuloy pa ring ipinalalabas ngayon sa iba’t ibang sinehan sa buong bansa.

HEEDING THE SIGNS

Dugtong pa ng aktres, “For me, kapag nakikita mo yung buhay mo, nakikita mo yung mga bagay na ito na ginagawa mo na kasama yung taong yun, isa yun.

“Kapag hindi mo makita yung future na wala siya.

“And kapag nakita mo... kapag nandun yung respeto niyo sa isa’t isa.

“And that’s very important.

“Yun, iba-ibang age tayo nagiging ready, pero kapag na-feel mo, then go.

“Sometimes, you just want to jump into it.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Wala naman siyang nabanggit kung napag-uusapan na nila ito ni DJ (palayaw ni Daniel), pero sa itinatakbo ng kanilang relasyon ngayon, malamang na sila nga raw ang magkakatuluyan.

For the meantime, ini-enjoy lang daw muna nila kung ano ang meron sila ngayon lalo na’t marami pa silang obligasyon na kailangan pang tuparin at tapusin.

Bukod pa rito, kailangan din ang blessings ng kanilang mga magulang kapag dumating na sa punto na maisip na nilang magpakasal.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN