Arjo Atayde denies taking a swipe at Alden Richards's Michael Buble gaffe

IMAGE Noel Orsal / @aldenrichards02 Instagram

Arjo Atayde clarifies his Michael Bublé post on Instagram has nothing to do with Alden Richards.


Inalmahan ni Arjo Atayde ang espekulasyong pinatututsadahan niya si Alden Richards sa kanyang pag-post ng kanta ni Michael Bublé kahapon, December 3.

Sa Instagram Story ni Arjo, makikita ang screenshot ng kantang "Everything" ni Michael Bublé mula sa Spotify na pinakikinggan ng Kapamilya actor.

Inilathala ito ng isang gossip blog site gamit ang headline na: "Is This Arjo Atayde's Response to Alden Richards' Mispronunciation of Michael Bublé?"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ito ay matapos kumalat sa social media ang video clip kung saan hindi sinasadyang nagkamali si Alden nang pagbigkas ng apelyido ng Canadian singer, sa live telecast ng GMA-7 noontime show na Eat Bulaga! kamakailan.

Mariing pinabulaanan ni Arjo ang pag-ugnay sa kanyang post kay Alden.

Balik-sagot ni Arjo sa gossip blog site: "First of all I have no Idea what you’re talking about.. please read the lyrics it’s not for him"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Isa sa hit songs ni Michael Bublé ang "Everything," isang love song na may lyrics na "And in this crazy life / And through these crazy times / It's you, it's you / You make me sing / You're every line / You're every word / You're everything."

Si Arjo ay kasalukuyang nauugnay kay Maine Mendoza, ang kalahati ng tambalang AlDub ng GMA Network.

Mahigit anim na beses nang namataang magkasama ang dalawa na diumano'y nagkakamabutihan na.

Hindi pa tahasang sinasagot nina Maine at Arjo kung ano na nga ba ang estado ng relasyon nila, pero sa hiwalay nilang mga panayam ay nagpahiwatig silang masaya at inspired sila sa puntong ito ng kanilang buhay.

Si Alden ang perennial love team ni Maine.

Wala silang pinagtatambalang TV o movie project sa kasalukuyan, pero nananatili silang co-hosts sa Eat Bulaga! at nagkakasama pa rin sa fan meetings para sa AlDub. 


Stories We Are Tracking

Arjo Atayde happy amid rumored romance with Maine Mendoza
Arjo Atayde happy amid rumored romance with Maine Mendoza
Maine Mendoza:
Maine Mendoza: "So much happier now than I've ever been."
Alden Richards reacts to Maine-Arjo alleged romance
Alden Richards reacts to Maine-Arjo alleged romance
Alden, Maine to AlDub fans:
Alden, Maine to AlDub fans: "Hindi pa rin po kayo nawala."


ABOUT THE AUTHOR

Follow Rachelle Siazon on Twitter: @pinkshi


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN