Jameson Blake admits losing his virginity at an early age

IMAGE Noel Orsal

Jameson Blake on being single for two years now: "Wala nga, e, choosy kasi ako."


Sa story conference ng pelikulang G!, isang coming-of-age movie slated for release sa summer 2019, diretsahang tinanong ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang Hashtags member na si Jameson Blake kung ilang taon siya noong una siyang nakipagtalik sa isang babae.

Diretsong tugon din ng binata, “Medyo bata pa ako nun, e. I think I was 15, 16.

"Twenty-one na ako now.

"High school pa ako... girlfriend ko."

Mas matanda ba ito sa kanya o magkaedad lamang sila?

Sabi ng Fil-Am Kapamilya actor, “Mas matanda siya sa akin, kasi mahilig ako sa mas matanda sa akin, mas mature.

“One year or one year and a half [lang yung difference].”

Ngayon daw ay single si Jameson at wala ring nababalitang nililigawan mula sa showbiz.

Wala raw sa isip niya ang pumasok sa isang relasyon kahit dalawang taon na mula nang nakipag-break siya sa kanyang non-showbiz girlfriend.

Paliwanag niya, “Wala, e. Kasi iba na ang focus ko, like sa trabaho.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"'Tsaka, di ba, paiba-iba ang love team ko?

“So I don’t think it’s healthy for my relationship din kasi baka magseselos ang girlfriend, what if mag-aaway kami dahil sa ganun [love team].”

Bakit walang napapabalitang nililigawan niya sa showbiz?

"Wala nga, e, choosy kasi ako," sagot ni Jameson.


ABOUT THE AUTHOR

Lead Correspondent, Top Story Man '12, Stringer of the Year '13, Top Contributor '14, Staff Reporter of the Year '15-'16 @arnielcserato (Twitter/Instagram)


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN