Bong Revilla "not guilty" of plunder in pork barrel scam case

IMAGE Mark Pimentel

The Sandigan First Division finds Senator Ramon "Bong" Revilla Jr. not guilty of plunder in pork barrel scam case.


"Not guilty" ang desisyon ng Sandiganbayan sa kasong plunder ni dating Senator Ramon “Bong” Revilla Jr.

Ito ay kaugnay ng pagkakasangot ng actor-politician sa Priority Development Assistant Fund (PDAF) o pork barrel scam.

"Guilty" naman ang hatol sa tinaguriang mastermind ng pork-barrel scam na si Janet Lim-Napoles at ang sa staff member ni Revilla na si Atty. Richard Cambe.

Binasa ang desisyon ng Sandiganbayan First Division ngayong Biyernes ng umaga, December 7.

Ito ang kauna-unahang desisyon ng Sandiganbayan sa mga kasong may kinalaman sa pork-barrel scam. 

Inakusahan si Bong ng diumano’y pagbulsa ng P224.5 milyong halaga ng ill-gotten wealth sa pamamagitan ng pagtalaga ng pondo sa bogus organizations na diumano’y nilikha ni Napoles.

Taong 2014 nang naghain ang Office of the Ombudsman ng mga kaso laban kay Revilla at mga kapwa niya senador na sina Jinggoy Estrada, at Juan Ponce Enrile.

Na-detain si Revilla sa Custodial Center ng Philippine National Police simula noong June 20, 2014.

Sa tatlong senador, si Revilla lamang ang hindi pinayagang mag-post ng bail.

 


Stories We Are Tracking

<p>Bong Revilla slams motion to garnish his assets</p>

Bong Revilla slams motion to garnish his assets

<p>Lani, Jolo dismayed by junked bail petition of Sen. Bong</

Lani, Jolo dismayed by junked bail petition of Sen. Bong

<p style=Sen. Bong Revilla bai ">

Sen. Bong Revilla bai



ABOUT THE AUTHOR

Writer at heart. Follow me on Twitter @tweetieberns


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN