PH bet Katarina Rodriguez fails to make Miss World 2018 Top 30

IMAGE @katarinarodri on Instagram

Philippine bet Katarina Rodriguez fails to quality for Miss World 2018's Top 30. The coronation night is currently ongoing this Saturday night, December 8, at Sanya, China.


Nabigo ang kandidata ng Pilipinas na si Katarina Rodriguez na masungkit ang korona sa Miss World 2018.

Kasalukuyang ginaganap ang grand coronation ng Miss World 2018 sa Sanya, China, ngayong Sabado ng gabi, December 8.

Mula sa 118 kandidata, 17 ang siguradong nakapasok sa pamamagitan ng pre-pageant fasttrack events.

Labintatlo naman ang sumunod pang tinawag para makumpleto ang Top 30.

Ang mga bansang nakapasok sa Top 30 ay ang mga sumusunod: Bangladesh, Barbados, Belarus, Belgium, China, Chile, Cook Islands, France, India, Indonesia, Ireland, Jamaica, Japan, Malaysia, Martinique, Mauritius, Mexico, Nepal, New Zealand, Nigeria, Panama, Russia, Scotland, Singapore, South Africa, Thailand, Uganda, United States, Venezuela, at Vietnam.

Sa pre-pageant events, hindi nakapasok ang "Project Become" advocacy ni Katarina sa Beauty with a Purpose charity arm ng Miss World 2018.

Ang adbokasiya ng proyekto ni Katarina ay tungkol sa mga bata sa Marawi.

Nakatakdang koronahan ni Miss World 2017 Manushi Chhillar ang kanyang successor ngayong gabi.

Kabilang sa hosts ng Miss World 2018 coronation night ang GMA-7 actress at Miss World 2013 na si Megan Young.


ABOUT THE AUTHOR

Let's talk TV @jimpylosophies on Facebook, Twitter, and Instagram.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN