Former actress and sex symbol Alona Alegre passes away at 70

IMAGE Credit to Baul ni Juan Facebook page

Alona Alegre is Philip Salvador's sister and was a leading lady of the King of Philippine Movies Fernando Poe, Jr.


Pumanaw kaninang 12:58 ng madaling-araw, December 9, ang former actress at sex symbol na si Alona Alegre.

Siya ay 70 years old.

Binawian ng buhay si Alona sa isang ospital.

Kinumpirma ito ng kanyang kapatid na si Phillip Salvador, pero hindi nito sinabi ang dahilan ng pagkamatay ng aktres na namayagpag ang showbiz career noong dekada ’70.

Ngunit napag-alaman ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) na asthma at cardiac arrest ang ikinamatay ni Alona.

Maria Lourdes Salvador ang tunay na pangalan ni Alona at anak siya ng comedian-director na si Lou Salvador Sr. sa LVN actress na si Inday Jalandoni.

Nag-umpisa ang acting career ni Alona bilang child star nang lumabas siya sa Tagapag-mana, ang 1955 movie ng LVN Pictures, sa edad na pito.

Si Alona ang leading lady ni Fernando Poe Jr. sa 1973 movie na Esteban.

Kinunan ang mga eksena nito sa isang beach resort sa Barangay Tawala, Panglao, Bohol.

Ipinangalan kay Alona ang beach resort dahil dito siya madalas makitang namamasyal at lumalangoy habang ginagawa nila ni FPJ ang Esteban.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Hanggang ngayon, isa ang Alona beach sa mga dinarayo ng mga turista sa Panglao.

Nakaburol ang mga labi ni Alona sa Marian Memorial Chapel sa Marcos Highway, Antipolo City.

UPDATE: Nakaburol ang labi ni Alona sa Marian Memorial Chapel sa Marcos Highway, Antipolo City. Asthma at cardiac arrest ang ikinamatay niya. 


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN