Estranged sisters Gretchen, Claudine see eye to eye when it comes to love for Dominique

IMAGE @claubarretto / @juansarte Instagram

Despite years of not seeing each other, Gretchen and Claudine Barretto are on common ground when it comes to their love for Dominique Cojuangco.


Matagal nang hindi nakikita ng publiko na magkasamang muli ang magkapatid na Gretchen at Claudine Barretto.

Pero kapansin-pansing nagkakasundo ang dalawa pagdating sa pagmamahal nila para sa anak ni Gretchen na si Dominique Cojuangco.

Noong December 6, Huwebes, nag-post si Gretchen ng bonding moment nila ni Dominique habang sila ay nagbabakasyon sa California.

Ilang netizens ang nag-comment na kamukhang-kamukha ni Dominique ang kapatid ni Gretchen na si Claudine.

Pag-amin ni Gretchen, "pinaglihian ko kay Claudine kasi." 

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

CLAUDINE AND DOMINIQUE

Sa hiwalay na post ni Dominique noong December 5, ibinahagi niya ang kanyang larawan kung saan nag-comment naman si Claudine.

View this post on Instagram

‘Holding in a sneeze’ by Paolo Vera ft. me

A post shared by ???????????????????????????????????? (@dominique) on

Pagpuri ni Claudine kay Dominique, "Omg my baby your super beautiful @dominique"

Ilan pang netizens ang nag-comment na kamukha ni Claudine si Dominique.

Pero balik-sagot ni Claudine, "mas maganda po si Doms."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Dito nagkapalitan ng mensahe ang magtiyahing Claudine at Dominique.

Ani Dominique, "@claubarretto love you, ate."

Sagot ulit ni Claudine, "i luv u so so much Doms. i miss u my luv."

Noon lang June 12 ay nagkaroon ng mini-reunion sina Claudine at Dominique sa dinaluhan nilang fashion gala event.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

POSSIBLE RECONCILIATION?

Dahil positibo ang komunikasyon at pagtrato nila sa isa't isa, marami sa mga tagasubaybay nila ang napapatanong kung posibleng magkaharap na ring muli si Claudine at ina ni Dominique na si Gretchen.

Taong 2013 pa nang masangkot sa sanga-sangang family issues ang magkapatid na Gretchen at Claudine.

Simula noon ay hindi na muling nakita sa publiko ang dalawa.

Pero noong 2017, kapansing-pansing may dalawang okasyong ipinagtanggol nina Gretchen at Claudine ang isa't isa sa bashers.

Una ay noong July 2017 nang kinondena ni Gretchen ang isang netizen na pinagkukumpara ang histura nila ni Claudine.

Sumunod ay noong August 2017 nang kastiguhin ni Claudine ang netizen na nag-uugnay kay Gretchen sa businessman na si Atong Ang.

Hindi man direktang nag-uusap ang dalawa, tila naiintindihan nila ang space na ibinibigay nila sa sa isa't isa.

Nitong August 2018, isang matalinhagang post ang ibinahagi ni Gretchen tungkol sa desisyon niyang putulin ang relasyon niya sa hindi pinangalanang mga tao.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Aniya, "Cutting people out of my life doesn't mean I hate them. It means I respect myself."


Stories We Are Tracking

Gretchen has no regrets cutting ties with unnamed people
Gretchen has no regrets cutting ties with unnamed people
Gretchen Barretto slams netizen bashing sister Claudine
Gretchen Barretto slams netizen bashing sister Claudine
Claudine Barretto defends sister Gretchen on Atong Ang issue
Claudine Barretto defends sister Gretchen on Atong Ang issue
Claudine Barretto reunites with Dominique Cojuangco
Claudine Barretto reunites with Dominique Cojuangco


ABOUT THE AUTHOR

Follow Rachelle Siazon on Twitter: @pinkshi


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN