Nash Aguas posts romantic birthday video for girlfriend Mika dela Cruz

IMAGE Instagram / You Tube

Nash Aguas posts a romantic video greeting for girlfriend Mika dela Cruz: "Sa mga taon na darating, gagawa pa tayo ng maraming memories."


“Best birthday ever.”

Ganito inilarawan ni Mika dela Cruz ang kanyang kaarawan dahil sa video greeting sa kanya ng boyfriend na  si Nash Aguas.

Ipinagdiwang ni Mika ang kanyang 20th birthday noong Linggo, December 9.

Ipinost ni Nash ang video birthday greeting niya para kay Mika dakong tanghali ng Linggo.

Sa video na nagtagal ng 1:21 minutes, ipinakita ni Nash ang masasayang sandali nila ni Mika simula noong bata pa sila at bahagi ng Goin' Bulilit, ang kiddie gag show ng ABS-CBN.

Mababasa rin sa video ang birthday message ni Nash para sa kasintahan:

"Hello Panget, sa mga taon na darating, gagawa pa tayo ng maraming memories. Memories ang ating kinapitan noong tayo’y nagkalayo, pero ito rin ang naging daan, para mahanap natin muli ang isa’t isa.

“To more years… to more memories together. Happy birthday Panget.”

Tila na-touch naman dito si Mika at nagpasalamat sa boyfriend via Twitter: “best birthday ever. Thank you, nget! [heart, crying emojis]”

Kinumpirma ni Nash ang relasyon nila ni Mika noong October.


Stories We Are Tracking

Nash Aguas confirms Mika dela Cruz is now his girlfriend
Nash Aguas confirms Mika dela Cruz is now his girlfriend
Mika shares her version of love story with boyfriend Nash
Mika shares her version of love story with boyfriend Nash
Nash says childhood crush Mika is worth the wait
Nash says childhood crush Mika is worth the wait


ABOUT THE AUTHOR

Writer at heart. Follow me on Twitter @tweetieberns


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN