Kyline Alcantara: No awkwardness around Miguel Tanfelix

IMAGE Jocelyn Dimaculangan

Kyline Alcantara on rumors linking her to Miguel Tanfelix: "Kami na rin po talaga ang magpapatunay kung totoo ba talaga o hindi. Well, hindi."


SINGAPORE—Nilinaw ni Kyline Alcantara na walang ilangan sa pagitan nila ni Miguel Tanfelix sa kabila ng isyung kinasangkutan nila limang buwan na ang nakararaan.

"Hindi naman po, because alam namin yung nagawa namin at hindi namin nagawa sa mga sinasabi nila sa amin," diretsahang sabi ni Kyline. 

Si Kyline ang itinuturong dahilan diumano ng hiwalayan ng noo'y rumored sweethearts na sina Miguel at Bianca Umali. 

Malapit na magkakatrabaho ang tatlo sa defunct GMA-7 prime-time series na Kambal, Karibal

Kasunod nito ang balitang naging totohanan diumano ang eksenang sampalan nina Kyline at Bianca dahil sa isyu. 

Hindi rin nakaligtas sa mapanuring netizens ang malamang tweets ni Bianca, na diumano'y may kinalaman sa pang-aahas ng isang di pinangalanang personalidad. 

Mariing pinabulaanan ni Kyline ang akusasyong ipinupukol sa kanya. 

Aniya, "You know, it's just a rumor.

"Kami na rin po talaga ang magpapatunay kung totoo ba talaga o hindi. Well, hindi."

Ayon kay Kyline, ni wala sa isip niya ang pagkakaroon ng love life dahil sobra siyang nag-e-enjoy sa kanyang showbiz career. 

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Gusto ko po kasi mas mag-grow pa as me.

"Pero kung may darating pa po..." medyo nabitin pang sabi ni Kyline.  

Sabay nakingiting patuloy ng dalaga, "Hindi! Hahaha! Ang bilis! Siguro inspiration, ganyan.

"Pero hindi, like, yung as in committed ka dun sa tao, kasi I'm still young and I'm still focused pa rin sa career ko."

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Kyline bago nagsimula ang awarding ceremony ng Asian Academy Creative Awards, na ginanap sa Capitol Theatre, Singapore, noong December 7, Friday.

Kasama sina Kyline at Miguel sa grupo ng Kapuso stars na dumalo. 

Nominado sina Kyline at Miguel bilang Best Actress in A Supporting Role at Best Actor in A Lead Role, respectively, para sa kanilang pagganap sa Kambal, Karibal.

WORK OVER LOVE LIFE

Ganado raw magtrabaho si Kyline, lalo na't sa edad na 16 ay napapansin ng iba't ibang award-giving bodies sa Pilipinas ang kanyang galing sa pag-arte. 

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Dagdag pa rito ang nakamit niyang international nomination bilang Best Supporting Actress sa Asian Academy Creative Awards. 

Masayang sambit ni Kyline, "I have a picture kasi na hawak ko lahat ng awards ko from the Philippines.

"Sinasabi po nila sa akin, 'Naku, ang bigat-bigat pa niyang dala mo.'

"So, sabi ko, this coming 2019, wala akong paki kung mas bibigat pa yun. 

"Sana marami pang mga ganitong awards night na mapuntahan." 

Tuwing Monday-Wednesday-Friday, abala si Kyline sa taping ng bagong GMA teleserye na Inagaw Na Bituin

Nakalaan ang Tuesday at Thursday niya sa taping ng musical-variety show Studio 7, habang Saturday at Sunday ay para naman sa Sunday PinaSaya


Stories We Are Tracking

Miguel Tanfelix dismisses rumored romance with Kyline
Miguel Tanfelix dismisses rumored romance with Kyline
Kyline unfazed by bashers after rumored rift with Bianca
Kyline unfazed by bashers after rumored rift with Bianca
Bianca denies posting offensive tweet vs Kyline fans
Bianca denies posting offensive tweet vs Kyline fans
Kyline Alcantara reacts to alleged rude fans of Bianca Umali
Kyline Alcantara reacts to alleged rude fans of Bianca Umali


ABOUT THE AUTHOR

Follow Rachelle Siazon on Twitter: @pinkshi


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN