Kris Aquino answers netizens who question Vice Ganda's sincerity as a friend

IMAGE Noel Orsal / Allan Sancon

Kris Aquino responds to netizen who question the sincerity of Vice Ganda when it comes to their friendship. "i have never pretended w/ all of you that we are still close," she says.


Nag-react si Kris Aquino, 47, hinggil sa pagkuwestiyon ng ilang netizens sa sinseridad umano ni Vice Ganda, 42, pagdating sa kanilang pagkakaibigan.

Naging matalik na magkaibigan sina Kris at Vice noong pareho pa silang nasa bakuran ng ABS-CBN, pero nagsimulang mawala ang closeness nila nang lisanin ni Kris ang Kapamilya network noong 2016.

Nitong December 9, Linggo, nag-post si Kris sa Instagram ng larawan ng pagbisita sa kanya ng dating katrabaho sa ABS-CBN na si Darla Sauler.

Sa comments section, isang netizen ang nagkomentong mas sincere daw si Darla kesa sa “baklang kabayo.”

Hindi man direktang binanggit ng netizen kung sino ang “baklang kabayo,” matutukoy sa mga sumunod na comments ng netizens na tumutugma kay Vice Ganda ang mga deskripsiyon nito.

Ang unang pinagbidahang pelikula ni Vice ay ang Petrang Kabayo noong 2010.

Isa pang netizen ang pinuna ang “bad habit” daw ni “VG” dahil ginagawang katatawanan kapag ginagaya ang pagsasalita ni Kris on national TV.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sinagot ni Kris ang tinuran ng netizen tungkol sa sinseridad ng It's Showtime host sa kanya.

Pahayag ng actress/host/social media star, sana ay mag-move on na pagkatapos niyang sumagot.

Saad ni Kris, “I’ll address this once then we can all move on-it isn’t an issue w/ me anymore.

“i have never pretended w/ all of you that we are still close… the network i came from is a very insular world, and once you’re no longer part of that family, you create your own new world to shine in.”

Ang sumunod na pahayag ni Kris ay may patama tungkol sa panggagaya sa kanya:

“in a kinder world I wouldn’t be spoofed, much like in a barkada you have inside jokes & you’re all in on it so you all get what’s funny… but I’m no longer part of the ‘in’ group.

“I don’t think madalas pa naman akong na pu-punchline pa. so let’s leave things as they are & just gratefully recall the happy memories.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


ABOUT THE AUTHOR

Writer at heart. Follow me on Twitter @tweetieberns


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN