Barbie Imperial says she's friends with all her ex-boyfriends

IMAGE @msbarbieimperial / @hashtag_ryle / @paulandre.salas Instagram

Barbie Imperial on refusing to harbor ill feelings towards her past relationships, like Ryle Santiago (left) and Paul Salas (right): "Actually, friends ko na mga ex ko."


Inihayag ni Barbie Imperial na nananatili niyang kaibigan ang kanyang mga naging karelasyon noon.

Ang mga kilalang naging boyfriend ni Barbie mula sa showbiz ay sina Paul Salas at Ryle Santiago.

Naugnay rin si Barbie kamakailan sa Araw Gabi leading man niyang si JM de Guzman, pero hindi kailanman sinabi ng dalawa na opisyal silang naging magkarelasyon.

Naungkat ang tungkol sa past relationships ni Barbie sa pakikipag-usap niya sa kanyang Twitter followers, noong December 7.

Tanong ng isang netizen: "Close na ulit kayo ni Ryle? #AskBarbie"

Sagot ni Barbie, "Friends na kami. Actually, friends ko na mga ex ko."

BARBIE'S EX-BOYFRIENDS

Minsan nang naikuwento ni Ryle, sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) noong May 2018, na isang taon silang naging magkarelasyon ni Barbie.

Naging matagal daw silang magkaibigan bago naging sila. 

Nagkahiwalay man sa huli, sinabi ni Ryle na masaya siyang makitang maganda ang takbo ng showbiz career ni Barbie.

Sa kabilang banda, hindi kaila sa publiko ang kontrobersiyal na hiwalayan nina Barbie at Paul noong Hulyo.

Nagpakawala noon si Barbie ng malamang posts sa social media, na nagpapahiwatig na nauwi diumano sa pisikal na sakitan ang alitan nila ni Paul.

Pagkalipas ng ilang buwan, inihayag nina Paul at Barbie sa magkahiwalay na panayam na wala na silang sama ng loob sa isa't isa sa kabila ng kanilang kontrobersiyal na hiwalayan.


Stories We Are Tracking

Paul Salas breaks silence on breakup with Barbie Imperial
Paul Salas breaks silence on breakup with Barbie Imperial
Ryle Santiago
Ryle Santiago "very proud" of ex-girlfriend Barbie Imperial

Bunsod nito ay napatanong ang ilang netizens kung friends na rin sina Barbie at Paul, at kung si JM ay maituturing ding isa sa ex-boyfriends ng Kapamilya actress.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

WISER IN LOVE?

Pero hindi na direktang sinagot ni Barbie ang mga tanong na iyon.

Sa pagpapatuloy ng series of tweets ni Barbie, sinagot ng Kapamilya actress ang isang netizen na nagtanong kung worth it ipaglaban ang isang tao kung may natitira pa rin silang pagmamahal sa isa't isa.

Ani Barbie, "Depende. Pag di na healthy, wag na sis."

Sa huli, iginiit ni Barbie na sisiguruhin niyang magiging maingat siya sa pagpili sa sinumang maging kasunod niyang karelasyon.


Stories We Are Tracking

Joj, Jai weigh in on JM, Barbie misunderstanding
Joj, Jai weigh in on JM, Barbie misunderstanding
Barbie tells fans to relax amid rumored rift with JM
Barbie tells fans to relax amid rumored rift with JM
Paul Salas reacts to JM de Guzman throwback post
Paul Salas reacts to JM de Guzman throwback post
Is this Barbie's response to rumored rift with JM?
Is this Barbie's response to rumored rift with JM?


ABOUT THE AUTHOR

Follow Rachelle Siazon on Twitter: @pinkshi


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN